Monday , December 23 2024

CEGP: End Impunity

cegpKINONDENA ng College Editors Guild of the Philippines ang pagpaslang kay dating Inquirer correspondent Melinda ‘Mei’ Magsino kamakalawa ng hapon sa Brgy. Balagtas, Batangas City.

Ayon sa malalapit na kaibigan at kaanak ni Magsino, ito ay maaaring bunsod ng pagbatikos ng biktima sa mga politiko sa social media.

Kamakailan, sumulat si Magsino ng expose kaugnay sa illegal gambling activities na aniya’y sinusuportahan ng local officials ng Batangas.

“Magsino’s death scores to the unending roll of impunity and extrajudicial killings in the country. It evokes immense discomfort to campus journalists that the truth-telling industry is lethal and hazardous,” pahayag ni CEGP National President Marc Lino Abila.

Ayon sa CEGP, hindi na ligtas ang bansa sa mga journalist bunsod nang tumataas na bilang ng napapatay na mga mamamahayag.

“Indeed the Philippines has an inimical climate to its journalists. We have a system that that denies justice and promotes impunity. A murder of one journalist is a slaughter to the freedom of speech,” giit ni Abila.

“By and large, it is noteworthy that the Aquino regime has inflated the crime against journalists. Up to date, there has been no significant turnout on the continuing Ampatuan Massacre. Magsino’s death reminds us that the current administration will only pursue a bloody trail in the toll of its truth-keepers,” aniya pa.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *