ni Vir Gonzales
SOBRANG mapalad si Coco Martin, dating prince of Indi films dahil rumatsada sa rami ng pelikula at mga teleserye.
Ngayon, mansion na ang bahay at balitang maraming tinutulungan. May nag-suggest na sana raw matulungan din ni Coco ang mga dating kasamahan sa Indi film na sina Paolo Rivero, Kristoffer King, at Mercedes Cabral na maisama sa mga ginagawa niyang project.
Dati ring nakatulong sa kanya noon ang mga sumusuportang kapwa indi film stars. Sabi nga dapat scattered your blessings.
Mga talentadong artista ng indi films ang ang nabanggit at hindi pahuhuli sa acting.
MGA LUMANG PELIKULANG IPAPALIT SA THE BUZZ, INAABANGAN
MARAMI ang excited na makapanood ng mga lumang pelikulang ipapalit sa natsuging The Buzz.
Nagpaalam na sa ere sina Boy Abunda, Toni Gonzaga, at Kris Aquino. Sixteen years din sa ere ang said program.
Tila naumay o nagsawa na sa ganoong klase ng programa ang viewers dagdag pa na parang sila-sila na lang mga ibinabalita.
Sa ipapalit na old movies, masaya ang viewers na makakapanood na muli sa mga dating idol na hindi na napapanood. At least, every week, bago palagi.