BANTULOT ang mga programa sa TV na bigyan ng airtime ang isang dating sikat na aktres lalo’t nalalagay siya ngayon sa isang domestic controversy.
Puwede pa marahil kung ite-tape ang panayam sa kanya, na maaaring i-edit o i-sanitize ang ilang maseselang bagay na maaari niyang sabihin due to emotional outburst.
Kilala kasi ang sobrang katarayan ng aktres na ‘yon, na hindi papayag kung “kakarnehin” lang ang kanyang interview. It has to go on air en toto, sa madaling salita, puwedeng may sobra, huwag lang may kulang.
She can be the biggest scare of the MTRCB kaya maingat ang mga programa na bigyan siya ng pagkakataong isiwalat ang kanyang mga saloobin. Kung sabagay, now is not the time to raise hell.
Mas makabubuting magdasal na lang ang aktres na ‘yon para magkaroon ng kapayapaan ang lahat ng sangkot sa kinapapalooban niyang isyu.