PINAPAALALAHANAN ng Primetime King na si Coco Martin ang kanyang love team partner sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasure na si Julia Montes na dapat nitong pahalagahan ang lahat ng biyaya na natatanggap sa kanyang career.
“Palagi kong sinasabi sa kanya na minsan lang dumarating sa buhay ng tao ang mga magagandang opportunity kaya dapat hindi namin sinasayang. May tamang panahon naman para sa pag-ibig, at sa pagbabarkada. Ngayon kasi ‘yung panahon na kami ang mga breadwinner ng mga pamilya namin kaya dapat gamitin namin itong chance sa showbiz para makatulong sa mga mahal namin sa buhay,” say ni Coco.
Samantala, tulad ng kanilang tungkulin sa pamilya sa totoong buhay, magsasanib-puwersa naman ang mga karakter nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ngayong araw, Linggo upang mailigtas ang kapatid ni Yami (Coco) na si Newton (Alonzo Muhlach) mula sa mga engkanto. Ano ang gagawin nina Yami at Tanya para mabawi si Newton mula sa mundo ng mga diwata?
Kasama rin nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishitas’ Treasures ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Ryan Bang, at Marlan Flores mula sa panulat nina Noreen Capili at Joel Mercado at direksiyon ni Avel Sunpongco.
Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ngayong Linggo, 6:45 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.
ni Reggee Bonoan