Wednesday , December 25 2024

Tahimik ang CA sa isyu ng ‘TRO for sale’

00 pulis joeySABI: ”Kapag may usok, may apoy.”

Sinabi sa media ni Senador Antonio Trillanes na binili ni Makati City Mayor Junjun Binay ang nakuhang temporary restraining order (TRO) sa Court of Appeals (CA) para pigilan ang Office of the Ombudsman sa pagsuspinde sa kanya ng anim (6) na buwan.

Ipinahayag rin sa media ng grupo ng Coalition of Filipino Consumers na pinamumunuan ng isang Prefecto Tagalog na sinabi sa kanila ng isang aktibong Mahistrado sa CA na matagal na ang kalakalan ng katiwalian ng “TRO for sale” sa CA at iba pang korte sa bansa.

Hindi biro ang akusasyong ito laban sa CA. Napakalaking kasiraan ito sa Judiciary lalo na sa mga Mahistrado na bumubuo sa CA. Pero wala silang imik. Pati ang Korte Suprema ay tikom ang bibig sa isyu. Hindi ba dapat ay ipatawag o kasuhan nila ang mga nag-aakusang sina Sen. Trillanes at Tagalog?

Tiyak, hindi naman magkakalakas ng loob sina Sen. Trillanes at Tagalog na magsiwalat nang ganito kung wala silang basehan. Sabi nga nila, mayroon silang ebidensya at isasapubliko nila ito. Aba’y ilantad n’yo na ang mga ebidensyang ‘yan. 

Now na!!! Kung mapapatunayang ipinagbibili ng mga Mahistrado sa CA ang TRO, aba’y hahayaan pa ba nating manatili sila sa puwesto? Dapat tadyakan agad ang mga ‘yan!

Remember… si ex-Chief Justice Renato Corona ay ipina-impeach ni PNoy sa kasong ‘pagsisinungaling’ sa kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth). What more sa  Justices na nagbebenta ng HUSTISYA… Dapat ‘bitay’ ang parusa  ganyan!

Anong say n’yo, mga ‘igan?

 3 ‘BUWAYA’ SA EDSA

GOOD pm, Sir Joey. Isa lang po akong concern citizen. Iuulat ko po ‘yun mga pulis dito na kotong. Grabe silang mangotong. Tatlo po sila, mga buwaya… kasi halos ‘di na sila makalakad nang maayos. Pag manghuli sila halos araw-araw po na gawain nila. Kasi lagi po namin sila nakikita nangongotong sa city provincial buses. Pag city bus ay P100 daw hingi nila, pero pag provincial bus naman ay P200. Kahit walang vio-=lation ay tinitira po nila. Pag mga 6am palang dito  na sila sa Quezon Avenue sa may EDSA. Pag mga 7am naman, sila ay nasa Muñoz-EDSA, tapat ng STI, tapos lipat uli sila sa EDSA, tapat mismo ng GAME Road, Muñoz din, tapat mismo ng Man@Truck. – Concern Citizen

Kung totoo ito. Suggest ko sa inyo na kunan n’yo ng picture o video sa inyong celfone ang tatlong buwaya, tapos i-post ninyo sa social media para makita ng buong mundo ang kawalanghiyaan ng mga ‘yan. Just do it, my friend.

Daming fixers sa LTO main office (Quezon City)

– Joey, report ko dito sa main office ng LTO sa Quezon City, andaming fixers na manloloko. Kawawa naman ang mga tao, naloko na at wala pang nangyari. Ang masaklap pag nagpa-blotter ka sa barangay mismo e kilala nila ang mga fixer. At pag nahuli mo ang fixer, sasabihin lang nagbigay sila sa barangay dahil nag-blotter ka.  Nangyari sa akin yan at ang pangalan ng kagawad e “R”. Sana maaksiyunan agad ito ng pamunuan ng LTO. – 09323331…

Kung walang magpapaloko, walang manloloko. Ang advise ko sa inyo ay huwag makipag-usap sa fixers. Makipag-usap o magtanong sa mga nakaunipormeng empleyado ng LTO. Magtanong kung ano ang proseso ng inyong transaksyon. Dahil talagang napakaraming manloloko ngayon kahit saan tanggapan ng gobyerno. Karamihan sa fixers na ‘yan ay mga ‘bata-bata’ rin ng mga opisyal d’yan. ‘Yan ang ating tandaan…

Mga tulak sa Binangonan, Rizal

– Report ko po rito sa Sitio Villamor Compound, Pagasa, Binangonan, Rizal, ay pugad ng pushers. Dun naman sa Mendoza Compound, madami rin ang pushers. Dito kumukuha ang taga-Angono, Rizal. Walang pakialam ang tserman namin dito, pati ang mayor namin dito dedma lang. Sana makarating sa PDEA ito at ma-raid nila ang lugar. May mga nahuli na rito ang mga Pulis-Binangonan, kaya lang nakapagpiyansa agad. Kaya tuloy parin ang tulakan ng droga dito, pati mga babae nagtutulak. Huwag nyo po ilabas ang numero ko.

– Concern Citizen

Masikip na ang tricycle sa kalye ng Maypajo, Caloocan

– Report ko po ang mga tricycle dito sa Maypajo, Caloocan City. Napakarami na nila. Hindi na alam ng mga taong dumaraan at namimili kung saan sila dadaan. Kasi lahat ng kalsada puno na ng tricycle. Wala silang tamang parking. Sa kanto ng Maypajo sa tapat ng 7-11 puro tricycle din, hindi na makalabas at makapasok ang mga sasakyam. Kaya po ako nag-report ay para maayos ang lugar ng Maypajo. Salamat. Wag po ilabas ang numero ko.

Ang tricycle ay nasa kontrol ng local government. Kaya kung sino man ang hepe ng Tricycle Regulatory Unit (TRU) dyan sa Caloocan City Hall, bossing… pakiayos lang po ng reklamong ito. Kung sino naman ang mga presidente ng TODA diyan sa Maypajo, ayusin ninyo ang inyong hanay para maging maayos ang paghahanapbuhay ng lahat. 

Mayor Erap, wala raw bang cash incentives ang graduates na may honors sa public schools?

– Magandang araw po. Ang anak ko po ay nagtapos sa elementary, sa isang public school, na may karangalan. Nais ko lang po malaman: Bakit walang binigay na cash incetive ang mayor ng Maynila na si Mayor Erap? Samantalang ilang mayor na ang nagdaan na ganun ang ginagawa taun-taon. Last year po may nakuha naman ang mga nagsipagtapos na may honor na cash incentives. Ang pagbibigay po kasi ng cash incentives sa honor students ay naging kalakalan na. Last year ang Valedictorian ay binigyan ng P8K at ang Salutatorian ay P6K hanggang sa 5th honor po may binibigas na incentive. Bakit ngayon wala? Sa P. Burgos po nagtapos ng elementary ang anak ko. Salutatorian siya.

– Mommy ng honored student

Magsadya po kayo sa DSW-Manila, tanong n’yo ‘yan…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *