Monday , December 23 2024

Natutulog ba sa pansitan ang mga pulis ng Malabon City?

00 Abot Sipat ArielNITONG Marso 30, nakipag-ugnayan sa ABOT-SIPAT si Bb. Erika Kristel A. Sale, Project Development Officer ng Department of Interior and Local Government-Informal Settler Families Project Management Office hinggil sa karahasang naganap sa Barangay Tonsuya, Malabon City.

Isa na naman itong karahasan na maisasama sa mga hindi nalulutas na krimen ng pulisya ng nasabing lungsod. Narito ang buong liham ni Bb. Sale:

“Ang People’s Plan ay isa sa mga estratehiya ng programa ng Pangulo upang mabigyan ang mga Informal Settler Families (ISFs) ng pagkaka-taon na makilahok sa pagpaplano ng kanilang relokasyon. Ito ay maaaring gawin ng people’s organization (POs) sa tulong ng lokal na pamahalaan, civil society organizations (CSOs) at pribadong sektor. Ito ay isang plano sa permanenteng paninirahan at pagpapaunlad ng komunidad.

“Ang programang One Safe Future na kinapapalooban ng People’s Plan ay naglalayon ng sama-samang pagkilos ng mga komunidad, ahensiya ng pamahalaan, pribadong sektor at civil society organizations tungo sa pagbuo ng daglian at pangmatagalang solusyon upang mabawasan ang peligro at masiguro ang kaligtasan ng mga pama-yanan na nasa mapanganib na lugar lalo na ang mga nasa tabing-ilog at estero sa National Capital Region. Isa sa mga PO na tumugon sa estratehiyang ito ng programa ang Sama-hang ng Nagkakaisang Damdamin ng Malabon (SANADAMA) na nagsumi-te ng kanilang People’s Plan sa opisina ng DILG ISF-PMO.

“Ang samahan ay mula sa Brgy. Tonsuya, Malabon at naglalayon na magkaroon ng on-site na relokasyon. Ang organisasyon ay nagsasa-ayos ng kanilang masterlist at nakikipag-ugna-yan sa may-ari ng lupa. Subalit sa isang hindi inaasahang pangyayari sa nasabing samahan, ang pinuno nito na si Francisco D. Frasdilla ay tinambangan at napatay sa mga tama ng bala.

“Dahil dito, nitong Marso, 26, 2015 ang kalihim ng SANADAMA na si Gng. Alma Dizon ay pumunta sa tanggapan ng DILG upang humingi ng tulong. Ayon kay  Gng. Dizon, mayroong pulong na magaganap sa opisina ng samahan dakong alas-2:00 ng hapon ng araw na iyon upang ipaliwanag ang Housing Coop. at CMP. Ang nasabing pulong ay hindi natuloy at inilipat na lamang sa Marso 29, araw ng Linggo, dahil ang ibang miyembro ng samahan ay kailangan dumalo sa pagtatapos ng kanilang mga anak o kamag-anak. Bagamat hindi natuloy ang pagpupulong, si G. Frasdilla kasama ang ibang opisyales ng samahan ay nagtungo pa rin sa kanilang mga miyembro sa Phase 5 at dito na naganap ang pagbaril kay G. Frasdilla. Naganap ang insidente dakong 3pm ayon kay Gng. Dizon.

“Ang anumang karahasan katulad ng nangyari sa SANADAMA ay kinokondena ng DILG na inatasang manguna sa programang ito. Ang mga PO leader na katuwang sa pag-oorganisa ng mga pamilya upang bumuo ng mga plano ay hindi da-pat nakararanas ng ganitong karahasan. Ang pangyayaring ito ay inendorso na sa mga kinauukulan sa tulong ng tanggapan ni Usec. Tomasito Villarin at DILG NCR Regional Director Renato Brion. Ang ISF-PMO ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa kabalikat na samahan ng SANA-DAMA, ang Kilos Maralita, at sa Lokal na Pamahalaan ng Malabon upang malaman ang kabuuan ng pangyayari at magkaroon ng kaukulang aksi-yon.” Umaasa ang ABOT-SIPAT na kikilos na ang pulisya ng Malabon upang malutas ang sunod-sunod na karahasan sa nasabing lungsod, lalo ang karumal-dumal na pagpaslang sa tulad ng urban poor leader na si G. Frasdilla.

Kung sa bagay, hindi nga nakikita ng mga pulis ang nagkalat na kubrador at kabo ng jueteng sa halos lahat ng sulok ng lungsod, ang ganito pa kayang krimen? Tsk. Tsk. Tsk.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *