Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kabaitan ni Coco, puring-puri ng mga kapitbahay

101014 coco martin

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Showbiz Konek na Konek, nabanggit sa amin ng business unit head ng programa na si Marj Natividad na kapitbahay niya si Coco Martin at puring-puri niya ang bida ng Wansapanataym Presents: Yamishitas’ Treasure dahil palabati raw sa mga kapitbahay nila sa subdibisyon.

Dalawang bahay lang daw kasi ang pagitan ng bahay nina Coco at Ms. Marj kaya parating nagkikita ang dalawa.

“Nakatutuwa si Coco, sobrang bait at sipag. Halos lahat ng kapitbahay niya binabati niya.

“Lahat ng dumaraan sa tapat ng bahay niya na nandoon siya, binabati niya ng magandang umaga, makikita mo ‘yan na nagdidilig, nagbubungkal ng lupa, ‘yung katapat kasing lote ng bahay niya, hiniram muna niya at nagtanim siya ng mga gulay at kung ano-ano. Kaya nakatutuwa, parang hindi siya si Coco Martin kung umasta,” masayang kuwento sa amin ng TV5 executive.

So, hindi lang sa showbiz kilalang mabait si Coco Ateng Maricris dahil maski mga ordinaryong tao ay puring-puri siya. Kaya naman pinagpapala rin ang aktor sa lahat ng projects niya tulad ng umeereng Wansapanataym Presents: Yamishitas’ Treasure na idinidirehe ni Avel Sunpongco mula naman sa panulat nina Noreen Capili at Joel Mercado handog ng Dreamscape Entertainment sa ABS-CBN na nananatiling mataas ang ratings tuwing araw ng Linggo.

 

ni Reggee Bonoan

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …