ni Pilar Mateo
AWKWARD!
According to Buboy Villar, that is the stage he’s in now. Awkward stage. Kaya ang laki ng pasasalamat niya nang dumating ang proyektong Kid Kulafu na siya ang binagayan ng katauhan ng Pambansang Kamaong si Manny Pacquiao noong teen years nito.
Ang kabanatang ‘yun sa buhay ni Pacquiao ang ibabahagi ni direk Paul Soriano sa nasabing proyekto na mapapanood sa Abril 15, 2015, ilang linggo bago ang fight of the century ni Pacman with Floyd Mayweather sa USA .
May mga nagsasabi naman na marami talagang dapat na ipagpasalamat si Buboy at sana nga raw eh, may matutuhan dahil sa paglisan nito sa kalinga ni direk Maryo J. delos Reyes bilang manager niya.
Well, Buboy is a good actor. Marami pa siyang magagawa sa mundong pinasok niya. At tiyak kung nagpaalam naman siya kay direk Maryo, may mga dahilan ang isa’t isa para magpahinga muna sila from each other’s presence.