Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca, kinalasan ni Dennis sa pamamagitan ng text (Startalk, pinakamatagal na showbiz talkshow)

ni Roldan Castro

040915 Bianca King dennis trillo

MAY pasabog si Bianca King sa presscon ng Showbiz Konek na Konek ng TV5, 11:00 a.m.., na si Dennis Trillo ang nakipag-break sa kanya sa text.

Na-hurt ba siya?

“Basahin po ninyo ‘yung isinulat ko sa blog ko, na-publish po ‘yun sa Meg Magazine. At noong ipinost ko po ‘yun sa blog ko, tingnan po ninyo ang mga reaksiyon ng tao. Naramdaman po nila ‘yung pinagdaanan ko. Marami rin pong humihingi sa akin ng advice kung paano rin sila makaka-get over doon sa heartbreak na pinagdaanan nila,” sambit niya.

Naka-move-on na ba siya?

“Mga one month after po naka-get over na ako. Kasi po, hindi po magandang gawin ‘yun sa kahit na sinong tao. Kahit hindi mo man mahal ‘yung tao, bilang respeto mo sa tao, maganda na makapag-usap ng face to face. Kahit hindi breakup, ‘yung important na usapan, I think, it’s better in person.”

Hindi pa raw sila nagkikibuan kahit noong minsang magkita sila sa isang event.

Pero willing siyang interbyuhin ito lalo na ‘pag may isyu at ipo-promote bilang part ng kanyang trabaho.

Effect si Bianca bilang showbiz talk show host dahil palaban siya, matapang at diretso sa pagbibigay ng maiinit at maintrigang balitang showbiz.

Havey!

Startalk, pinakamatagal na showbiz talkshow

START na ang talk show nina Bianca King, IC Mendoza, at MJ Marfori para sa Showbiz Konek na Konek, weekdays 11:00, a.m. ng TV5. Masaya dahil may bagong showbiz oriented talk show na nagsimula. Malungkot dahil nagpaalam na ang The Buzz ng ABS-CBN 2.

Last show na nila noong Linggo. Ganyan talaga ang showbiz may nagbubukas at may nagsasara.

Matatag pa rin ang Startalk dahil ito na lang ang nagtagal sa lahat ng showbiz talk show.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …