Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Divine, na-bored daw kay Victor kaya humanap ng iba

032718 Divine Lee Victor Basa

00 fact sheet reggeeFOLLOW-UP ito sa nasulat ng aming patnugot dito sa Hataw na hiwalay na sinaVictor Basa at Divine Lee. Kinompirma ito ng common friend namin ni Divine na truliling hiwalay na ito sa aktor. At ang dahilan daw ng paghihiwalay ng dalawa ay dahil sa common friend din nilang si Chef Jeremy Favia.

Yes, Ateng Maricris, itong si Chef Jeremy daw ang parating nakakasama ngayon ni Divine sa lahat ng lakaran. The who si chef Jeremy? Siya ay may programa sa Channel 41, TV5 pero nauna na raw siyang napanood sa QTVchannel.

Kuwento sa amin ng common friend namin ni Divine, ”yung Chef Jeremy na ang kasa-kasama ni Divine. Kahit barkada tinatalo na niya nahahati raw sa dalawang group na sila ngayon simula nang pumasok ‘yung Jeremy.”

Hindi raw kasi nagkikita ngayon sina Divine at Victor dahil, ”busy sa triathlon doon ibinubuhos ni Victor ang oras.”

Nagta-try daw si Victor na kausapin si Divine pero hinaharang ni Jeremy.

“Kahit daw message ni Victor sa Twitter or Instagram ni Divine binubura ni Jeremy. Pinakikialaman daw ng Jeremy.”

Puwede bang pakialaman ng ibang taon ang personal account sa social media, Ateng Maricris? (Puwede naman kung alam naman niya ang password—ED)

Kuwento pa ng kaibigan namin ni Divine, ”mukhang magagamit si Divine kasi kapit-tuko ‘yung Jeremy. Kahit sa out-of-the-country trips, si Jeremy na lang ang isinasama ni Divine.”

Ano nga ba ang dahilan ng pananabang ni Divine kay Victor?

“Ang sabi nagbago raw ugali ni Victor, sabi ni Divine. Pero ang feeling ng mga kaibigan n’ya na-bore si Divine kay Victor.”

Nabanggit ding gusto ni chef Jeremy na magkaroon ng sariling restaurant kaya raw si Divine, ”mukhang papagawan ni Divine ng resto kasi may na-meet silang International Chef sa Hongkong (kamakailan),” sabi sa amin.

At kaya raw nakilala ni Divine ang nasabing chef ay dahil sa gay friend nito,”nataypan lang talaga ng close friend ni Divine kaya nakapasok sa inner circle nila.

“Ngayon ‘yung gay friend ni Divine, taga-picture na lang nila Divine at Jeremy at unti-unti siyang (gay friend) nawawala sa eksena.”

Naku, kailangan sigurong marinig din ang panig nina Divine at chef Jeremy.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …