Friday , November 15 2024

Status Quo hiniling ng CA sa DILG at Ombudsman (Suspensiyon tuluyang pinigil)

Junjun BinayTULUYAN nang pinigil ng Court of Appeals (CA) ang ipinataw na preventive suspension ng Office of the Ombudsman laban kay Makati Mayor Junjun Binay. 

Naglabas ng writ of preliminary injunction ang ikaanim na dibisyon ng CA laban sa utos noon ng Ombudsman na suspindehin si Binay at iba pang opisyal ng lungsod ng Makati dahil sa mga alegasyon ng katiwalian kaugnay ng Makati City Hall Building II. 

Pinalalawig nito ang temporary restraining order (TRO) na inilabas din noon ng CA. 

Matatandaan, nagdulot ng kalituhan ang TRO na ipinalabas noon ng CA dahil bago ito maipalabas, naisilbi na ang suspensiyon kay Binay. 

Ngunit sa pinakahuling resolusyon na inilabas ng CA, hiniling nito sa Ombudsman at Department of Interior and Local Government (DILG) na irespeto ang status quo o ang sitwasyon bago ipinalabas ang suspension order.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *