Thursday , November 14 2024

Si Hudas ang nabuhay nitong Easter Sunday o nagalit ang MPD?

00 aksyon almarNABUHAY din pala si Hudas sa paggunita ng Pasko ng Pagkabuhay ni Hesu Kristo nitong nakaraang Linggo o sa araw na mas familiar sa tawag na Easter Sunday.

Teka, magulo yata ha.  Ibig sabihin ba nito, hindi lang si Kristo ang nabuhay kundi maging si Hudas na kilalang taksil, traydor  at nagbenta kay Kristo sa halagang 30 pirasong pilak?

Totoo ba ang balitang ito o isang haka-haka lang?

Hindi, hindi totoong nabuhay nang pisikal si Hudas, ang nagbigti matapos makonsensiya sa ginawang pagbenta kay Kristo, kundi nabuhay siya nang maraming beses sa katauhan ng maraming katao makaraang makaranas sila ng pagbebenta sa kanila ng kanilang kakilala o malapit sa kanila.

Nitong Pasko ng Pagkabuhay, nakalulungkot ang balitang  sumabay sa Easter Sunday ang ‘pagkabuhay’ din ni Hudas.

Mismong ang dating pangulo ng National Press Club na si Jerry Yap, ngayo’y chairman ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) ang nakaranas nito nang arestuhin siya ng tropa ng Manila Police District (MPD) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Linggo, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court dahil sa kasong libelo.

Inirerespeto naman natin ang hakbangin ng korte laban kay Yap lamang, ang masaklap sa pag-aresto sa dating pangulo ng NPC…inuulit ko, dating PANGULO ng NPC ay masasabing taliwas sa napagkasunduan ng PNP at iba’t ibang grupo ng mamamahayag.

Kinompirma ni Rowena Paraan, chairperson ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang nasabing kasunduan na nilagdaan ng PNP, NUJP, NPC, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at ng Philippine Press Institute.

Sa pahayag ni Chairperson Rowena Paraan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), sinabi niya: “It has been the agreement between media groups and the PNP that the latter will not arrest journalists on late Friday afternoon or on weekends, depriving them the opportunity to post bail. This came about because of attempts to use the legal system to harass journos and throw them behind bars.”

Hindi na siguro natin kailangan pang ipaliwanag ang kasunduan  at sa halip, malinaw na nalabag ang kasunduan sa nangyari kay Yap.

Bukod sa malinaw pang isa itong harassment,  isa itong pag-atake sa kalayaan ng mamamahayag. Weekend o Linggo nang arestuhin si Yap.

Si Yap ay dating PANGULO ng NPC, ibig sabihin, kung nangyari ito kay Yap, malamang na 200% na mangyayari ito sa lahat ng mamamahayag.

Ano pa man, hindi ito ang isa sa nais nating ipunto sa pag-aresto kay Yap kundi ang mala-king “role” ni “Hudas” sa pagkaaresto ni Yap sa NAIA.

Nang arestuhin ni Yap, halos kabababa lang niya sa eroplano kasama ang kanyang mga anak mulang bakasyon sa bansang Japan. Yes, doon sa airport siyang inaresto at araw ng Linggo para hindi makapagpiyansa.

Ang tanong, paano kaya nalaman ng mga umaresto na darating na si Yap mulang ibang bansa kaya roon na siya inaresto sa NAIA? Isa lang ang ibig sabihin, may naghudas kay Yap. Naghudas na alam niyang lumabas ng bansa si Yap kasama ang kanyang mga anak. Naghudas na alam niyang darating sa araw ng Linggo si Yap.

Ops, teka wala naman siguro naghudas… unfair naman yata ano, kundi masasabing magaling talaga ang intel ng MPD. Kumbaga siguro, if there’s a will, there’s a way kaya, natunton si Yap. Iyon nga lang, mukhang mali ang araw ng pag-aresto sa kanya dahil nga weekend ginawa na taliwas sa kasunduan.

Teka, si Yap, may-ari ng pahayagang ito (HATAW) ay kamakailan naglabas ng isang exclusive photo na kuha ng aming photojournalist na si BONG SON kaugnay sa kapalpakan ng MPD. Ang photo ay hinggil sa tila pagtuturing na hayop sa apat na bilanggo (ng MPD) nang ikadena sila imbes gamitan ng posas.

Hindi kaya isa ito sa dahilan ng paghihiganti ng WPD? Binalikan ba nila ang aming publisher kaugnay sa ginawang pagpablis sa litrato? Maaari rin ‘di ba?

Ano pa man, dapat sigurong kumilos ang NPC hinggil sa insidente. Si Yap ay dati din natin Pangulo sa NPC o isang mamamahayag.

Sir Joel Egco, ang aming kagalang-galang na pangulo ngayon ng NPC, your attention please sir. Press freedom is under attack.  

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *