Wednesday , December 25 2024

BBL nalantad kapalit ng Fallen 44

USAPING BAYAN LogoMALAKI ang dapat nating ipagpasalamat sa 44 martir ng Philippine National Police – Special Action Force dahil ang pagmasaker sa kanila ng Moro Islamic Liberation Front – Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sa ati’y nagbigay liwanag ng isip para matuklasan ang panganib na hatid sa ating republika ng Bangsamoro Basic Law.

Dahil sa kanilang kabayanihan ay nagkaroon nang lakas ng loob ang ilan sa mga susing miyembro ng kongreso para busisiin ang BBL sa kabila nang mahigpit na bilin nang espesyal na Pangulong Benigno Simeon Aquino III na dapat itong maisabatas kaagad.

Pansinin na bago naganap ang pagmasaker sa 44 na PNP-SAF sa Mamasapano ay wala ni isa man sa mga senador o congressman ang tahasan o lantarang ku-mwes-tyun sa BBL ni BS Aquino. Sikat pa kasi nuon ang espesyal na pa-ngulo at malabo pa sa sambayanan ang kawalan niya ng kakayahang mamuno.

Puna nga ng ilan, nuong mabango pa si BS Aquino ay walang sumita sa BBL habang pinag-uusapan ito pero ngayong mabaho na siya ay marami nang nagmamagaling. Tama ang puna dahil ganyan naman ang mga pul-pulitiko, opor-tyu-nis-ta, kaya nga pasalamat tayo sa mga martir na pulis dahil nagkaroon ang mga pul-pulitiko ng pagkakataon na gumawa ng tama kahit hindi nila ito sinadya.

Ang trahedya sa Mamasapano noong ika-25 ng Enero ang tuluyang nag-alis sa kulaba sa ating mga mata. Malinaw na sa atin na patibong pala ng MILF-BIFF ang usapang pangkapayapaan lalo na ang BBL. Ang mga ito pala ang magiging daan para maihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas. Malinaw na rin sa atin ang papel na ginagampanan ng Malaysia sa prosesong ito lalo na sa pagbuo ng BBL.

Lahat ng liwanag na ito ay utang natin sa PNP-SAF 44. Salamat ng marami sa inyo.

Sa mga kumikilos naman para maisabatas ang BBL, maliwanagan sana kayo ng isip. Magnilay kayo at magbagong pananaw lalo na’t katatapos lamang ng mahal na araw. Bumalik kayo sa liwanag hangga’t hindi pa nagdidilim ang pani-ngin ng taong bayan sa inyo.

* * *

Bakit kaya laging nakukuwestiyon ang kata-patan sa bayan ng pamilya ni Pangulong BS Aquino?

Pansinin na ang kanyang lolo na si Benigno Sr., ay isinakdal bilang isang makapili noong panahon ng Hapon, samantalang ang kanyang ama na si Benigno Jr., o “Ninoy” ay sinasabing nagtaksil sa bayan nang ibulgar sa publiko ang umano ay “massacre ng mga kapatid nating Muslim sa isla ng Corregidor.”

Naging daan ang pagbubunyag ni Ninoy para magningas ang rebelyon ng mga Moro sa pa-ngunguna ng Moro National Liberation Front. Ga-yon man hanggang ngayon ay hindi pa napatutunayan na nangyari nga ang masaker na kilala sa tawag na “Jabidah massacre.”

Ngayon naman si BS Aquino ang sinasabing nagtataksil sa bayan dahil umano ay pakikikutsaba niya sa MILF-BIFF para maihiwalay ang Min-danao sa ating republika.

Haaay espesyal talaga sila…

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *