Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

X-rated film ipinalalabas sa bus huli (Sa inspection ng MTRCB, Operator pinagmumulta)

tv on busPINAGPAPALIWA-NAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng bus line na natiyempohan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na magpapalabas ng isang X-rated na pelikula.

Ito ay dahil sa posibleng kaso ng possession of pornographic material sa kanilang pampublikong sasakyan.

Ipatatawag ng MTRCB  ang  driver  at operator ng bus at diringgin ang insidente para matukoy ang parusa o multa.

Nabatid na nag-inspeksiyon nitong Lunes Santo sa Araneta Center Bus Station sa Cubao, Quezon City, ang MTRCB para matiyak na sumusunod sa panuntunan ang mga bus line sa ipinalalabas nitong mga pelikula sa gitna ng biyahe.

Ngunit sa pag-iikot, nagulantang sina MTRCB Chair Toto Villareal at kasamang board members dahil sa malaswang DVD na nakasalang sa paalis na sanang bus ng R. Volante Lines na biyaheng Bicol. Kabilang sa mga pasahero ng naturang bus ang ang 12-anyos dalagita.

Depensa ng bus driver, nakalimutan lamang niyang tanggalin ang naturang DVD makaraan panoorin sa kanilang garahe kamakalawa ng gabi at walang balak na ipalabas sa gitna ng biyahe.

Kinompiska na ang DVD at nasa kustodiya ng LTFRB ang driver at bus unit para sa imbestigasyon.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …