Thursday , December 26 2024

Kung si Jeane Napoles nakalusot ang iba pa kaya?  

00 firing line robert roqueSA kabila ng pagtanggi ng tinaguriang “pork scam queen” na si Janet Napoles na wala sa bansa ang kanyang anak na si Jeane ay bigla itong lumutang noong isang linggo, para magpiyansa ng P50,000 sa Court of Tax Appeals sa milyon-mil-yong pisong tax evasion case na kinasangkutan.

Nang lumitaw ang batang Napoles ay nabuko na totoong nalusutan pala nito si Immigration Commissioner Siegfred Mison at ang kanyang mga tao, na tungkuling magbantay sa NAIA sa pagpasok at paglabas ng mga taong pinaghahanap at may sabit sa gobyerno.

At dahil ang ahensiya ng Bureau of Immigration (BI) ay nasa ilalim ng Department of Justice, hindi kaya maapektohan si Justice Secretary Leila de Lima sa kapalpakang ito? Kinompirma ng BI na nakabalik na sa bansa si Jeane sa kalagitnaan lang nitong Marso.

Pero naiulat na noong Setyembre pa raw nasa bansa at nakuhanan pa ng larawan na nakangiti habang nasa birthday party ng kanyang pinsang si Ellie, ang pinakabatang anak na babae ni Reynald “Jojo” Lim, na kapatid ni Janet. Kasama rin sa kasiyahang iyon sa isang five-star hotel noong Oktubre 10, 2014 ang ama at mga kapatid ni Jeane, at asawa ni Jojo.

Kapwa akusado rin ni Janet ang kapatid na si Jojo sa kasong “illegal detention” na isinampa ng pork scam star witness na si Benhur Luy. Ngunit kahit may arrest warrant laban kay Jojo at kanselado ang passport ay hindi siya mahuli-huli ng mga awtoridad mula pa noong Agosto 2013.

Maaalalang sumikat at kinapootan ng marami si Jeane nang lumabas noon sa social media ang mga larawan niya at ng mamahalin niyang mga gamit, pati na ang mala-prinsesa niyang pamumuhay, samantala ang kanyang ina ay akusadong nagnakaw sa kaban ng ba-yan.

At kung si Jeane na nahaharap sa kasong tax evasion ay nakalusot sa mga opisyal ng immigration sa airport, hindi kakaunti ang nag-alala na maaaring nagagawa rin ito ng ibang mayayaman na sangkot sa mabibigat na krimen, at ka-yang magtapon ng milyones para makaiwas sa huli.

Kung may mahalagang pinagkakaabalahan ang ating mga opisyal, hindi raw ba makabubu-ting palitan sila ng iba na hindi tutulog-tulog sa trabaho, at kayang gampanan nang husto ang kanilang tungkulin upang magkaroon sila nang silbi sa gobyerno?

***

Ayon sa ating source ay isang “Sgt. Agrimano” ang umiikot para mangotong umano sa mga bahay-aliwan, sugalan, beerhouse at pati na sa drogahan.

Ang lakas daw ng loob nito para ipagyabang na may basbas nina PNP OIC Deputy Director-General Leonardo Espina at National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Carmelo Valmoria ang ginagawa niyang pag-iikot, dahil ang pera na kinukuha niya ay gaga-miting pondo ni Interior Secretary Mar Roxas sa nalalapit na halalan.

Kung sino man ang Agrimano na ito ay maliwanag na nagpapayaman lang siya sa sarili habang ginagamit at ginagasgas ang malinis na pangalan nina Espina.

At sino ang maniniwala na ang isang presidentiable na tulad ni Roxas na may karangalang iniingatan, ay papayag na mangampanya sa halalan gamit ang pondo na nagmula sa ilegal?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *