Thursday , December 26 2024

Katarungan para kay Coach Toel – sigaw ng mga mananakbo!

00 aksyon almarPARA sa lahat nga ba ang mabilisang kataru-ngan o pagresolba ng isang karumaldumal na krimen?

Ang sabi,  para sa lahat daw at walang pini-piling paglingkuran ang Philippine National Police sa paglutas ng isang krimen – mahirap man o mayaman ang biktima. Totoo naman kaya ito?

Maaari siguro pero, masasabing hindi laging ganito dahil maraming beses nang napatuna-yang mas mabilis malutas ang isang krimen kapag mayaman o maimpluwensiya ang biktima.

Ang madalas pang nangyayari kapag mahirap ang biktima ay tira tsamba na lamang ang pagkakalutas sa krimen o pagkakaaresto sa suspek ngunit, kapag mayaman ang biktima o maimpluwensiya, nalulutas ito sa loob ng 24 oras dahil sa tawag o kaanak  ni mayor, congressman, senator, gobernador etc.

Bukod dito, agad din bumubuo ng kung ano-anong TASK FORCE ang PNP at ilang ahensiya ng pamahalaan para agad umanong malutas ang krimen.

Pero kapag kaanak ng magsasaka, mangi-ngisda, magbabasura, ordinaryong kawani, janitor etc., o ng MANANAKBO. Naku po,  inagnas na ang biktima o buto na pero hindi pa nakakamit ang katarungan.

Beinte-kuwatro taon na akong manunulat at sa tagal ko sa propesyong ito, batid ko na talagang mailap ang katarungan para sa mahihirap o walang kakilala sa ‘loob’ o ‘itaas.’

Iyan ang tunay na kalakaran sa bansa natin – butas ang batas para sa mahirap.

Paminsan-minsan naman ay may mga kasong (mahirap ang biktima) nalulutas agad. In fairness sa PNP.

Ngayon, halos dalawang linggo o higit na rin, ang mundo ng mananakbo na kinabibilangan ng inyong lingkod ay nagluluksa  (hanggang nga-yon). Isa kasing kasama naming mananakbo ay pinatay nang walang kalaban-laban ng mga hindi pa nakikilalang salarin. Mga salaring ginamit ni satanas para wakasan ang kanyang buhay. Wala namang banta sa buhay ng biktima o wala rin naman siyang kalaban.

Tinutukoy nating biktima ng isang karumaldumal na krimen ay siCOACH LEO “TOEL”  TUGADE.  Siya’y natagpuang patay at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan sa Las Piñas City (Metro Manila) matapos ang walong nang maiulat siyang nawawala.

Hanggang ngayon ay malayang nakagagala ang (mga) salarin at maaaring may panibago nang nabiktima o ‘di kaya nag-aabang ng bibiktimahin.

Opo, halos dalawa o tatlong linggo na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay nananatiling blanko ang pulisya ng Las Piñas hinggil sa kaso. Ito ba ay dahil wala pang sapat na ebidensiya o impormasyon para sa mabilis na ikalulutas ng krimen o dahil hindi maimpluwensiya ang pamilya TUGADE.

Hanggang ngayon, wala rin tayong nabalitaang development sa kaso – wala man lang tayong nabalitaang bumuo ng  “Task Force Coach Toel”  ang Las Piñas City Police Station o ang Southern Police District (SPD). Bakit? Tulad ng paulit-ulit natin nabanggit, dahil ba hindi maipluwensiyang pamilya ang mga Tugade kaya mailap ang katarungan?

Tsk tsk tsk… akala ko ba ay patas ang lahat sa PNP sa pagresolba ng krimen. Hindi naman siguro isang kasalanan ang maisilang o mapabilang sa mahirap na pamilya o di kaya, mapabilang sa hindi maimpluwensiyang pamil-ya.

Ang punto natin, ano ang ginagawa ng Las Piñas PNP, tinutulugan na lang yata nila ang kaso. Kung sabihin naman ng pulisya na hindi, aba’y okey pero anong klaseng follow up kaya ang ginagawa ng mga tauhan ni Sr. Supt. Adol-fo Salama, hepe ng Las Piñas Police?

Naniniwala tayo sa kakayahan ni Col.  Salama pero, sinusunod naman kaya ng kanyang mga tauhan ang utos niyang lutasin agad ang krimen? Iyan ang dapat mong alamin Kernel at baka ibinasura lang ng mga tauhan mo ang inyong direktiba.

Kilos hepe!

Kung ang ilegal na sugal nga riyan sa Las Piñas ay madaling matunton ng mga pulis ng lungsod (bakit kaya, dahil ba sa intel?) walang dahilan para hindi nila matunton ang mga salarin sa pagpaslang kay Coach Toel.

Ngayon, hindi nga ba mailap ang katarungan sa mahihirap o sa mga hindi maimpluwensiya?

Sana’y makamit na ang katarungan sa lalong madaling panahon. Sa mga nais magbigay ng info para sa ikalulutas ng krimen – oo,  sa mga nakasaksi, tulungan naman natin ang mga biktima – ang iniwang pamilya nito. Huwag natin hayaang ma-kabiktima uli ang mga salarin, ipakulong natin sila.

* * *

Para sa inyong suhestiyon, komento at reklamo, magtext lang sa 09194212599.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *