Friday , November 15 2024

Deodorant hinaydyak ng parak

112514 crime sceneHINARANG ng hinihinalang mga pulis ang isang ten-wheeler truck na naglalaman ng mga produkto ng Unilver Philippines at inabandona ang driver  at pahinante sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa ulat ni Supt. Fernando Opelanio, hepe ng Manila Police District-Station 8, hatinggabi noong Marso 28 nang maganap ang insidente sa panulukan ng Ramon Magsaysay Blvd. at V. Mapa St., sa Sta. Mesa, Maynila.

Anim na lalaki, nakasuot ng PNP patrol uniforms ang apat, sakay ng puting Toyota Avanza (TVB-847) ang nanutok ng baril makaraan harangin ang 10-wheeler truck na may kargang Rexona products.

Ipinosas ang driver na si Marvin Orcojada, 28, at pahinanteng si Joey Pacao, 30, ng mga suspek na armado ng baril.

Pinababa sila sa truck saka pinasakay sa Avanza  kasama ang tatlong suspek habang ang tatlo ay kinomander ang truck.

Nang sumapit sa isang bayan sa Bulacan, pinababa ang dalawa at tuluyang tinangay ng mga suspek ang truck.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *