Thursday , November 14 2024

Demoralisado kay BS Aquino

USAPING BAYAN LogoUMAASTANG “ama ng bayan” ang espesyal na Pangulong Benigno Simeon Aquino pero hindi naman natin nararamdaman ang pagiging sinsero niya sa papel na ibig gampanan. Habang pini-pilit niyang maging ama ng bayan ay lalo namang lumalabas na siya’y hindi maaaring maging ama o kaya kahit kuya man lamang ng sambayanan sa-pagkat siya ay isang malamig pa sa yelong punong ehekutibo na walang kakayahang dumamay sa ating nararmdamang kahirapan. Ito ang ating nati-yak simula nang siya ay maging pangulo ng ating ngayon ay kawawang republika. Ito ang malinaw pa sa sikat ng Haring Araw.

Pansinin na mula pa noong magka-hostage taking sa Luneta, nang hambalusin tayo ng bag-yong Yolanda, nang magkakrisis ang ating MRT-LRT, nang magka-congestion sa Pier, nang tumindi ang trapik sa Kalakhang Maynila, nang tumaas ang halaga ng mga bilihin at nang mamasaker ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsa Moro Islamic Freedom Fighters ang 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force sa Mamasapano ay kitang kita natin ang kawalan ng kakayahang mamuno ni BS Aquino.

Hindi pa kasama sa mga problemang ito ang ginagawang pagbiyak sa ating republika ng Malaysia sa pakikipagtulungan ng MILF-BIFF sa Mindanao, pagkamkam ng People’s Republic of China sa mga isla sa West Philippine Sea, ang walang habas na pangingisda ng Vietnam sa ating karagatan malapit sa Palawan at ang ginagawa ring pagpapasasa ng Taiwan sa ating yamang dagat malapit sa mga isla ng Babuyan.

Ano ang naging sagot ng espesyal na administrasyon ni BS Aquino sa pagbiyak ng Malaysia sa ating republika? Nakikutsaba siya sa MILF-BIFF sa lilim ng peace talk, hinayaan din niya na makapangisda ang mga Vietnamese sa ating karagatan, kinasuhan ang PROC sa isang pandaigdigang hukuman kasabay ng pagpapa-monitor lamang sa ating hukbong sandatahan nang patuloy na pangangamkam ng PROC sa ating mga isla sa West Philippine Sea at pinakasuhan ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard na nagtangkang ipagtanggol ang ating soberenya laban sa Taiwan. Nakadedemoralisa ang pamunuan ng espesyal na administrsyong BS Aquino.

Naiisip ko tuloy na parang laro lamang sa espesyal na administrasyong ito ang pamamalakad sa ating republika. Puro retorika at paninisi sa nagdaang rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo ang ginagamit upang mapagtakpan ang angking kapalpakan. Parang laging nasa estado nang pa-ngangampanya na hindi nahihinog sa mahusay na pamumuno, parang nagpapatakbo lamang ng isang student council si BS Aquino.

Lumalabas pa ngayon na tila mukhang hindi talaga interes ng bayan ang salalayang batayan ng mga pagkilos ng espesyal na administrasyong ito.

Ano palagay ninyo? Haaaay espesyal si BS Aquino at ang administrasyon nito.

* * *

Ibig kong magpasalamat sa aking kababata na si Albert Gene “Abet” Lorenzo dahil sa pagpapahiram niya ng kanyang resort, Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Bagong Kalsada, Calamba. Nairaos ko nang masaya at matiwasay ang aking kaarawan sa mahusay niyang resort. Salamat Abet…sa uulitin ha….

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *