Friday , November 15 2024

2 konteserang bading todas sa ambush

Police Line do not crossKORONADAL CITY – Dalawang bading ang namatay makaraan pagbabarilin sa bahagi ng Purok Upper Liberty, Bo. 5, Banga, nitong Linggo ng madaling araw.

Agad binawian ng buhay ang dalawang biktima na sina Wency Estorninos, lending collector, residente ng Prk. Iti, Brgy. Rizal Pob., Banga; at Jenor Deretcho, beautician, at residente ng Prk. 3, Brgy. Zone 4, Surallah.

Habang nakaligtas ang isa pang bading na kinilalang si Eugene Caballero, beautician, at residente sa Brgy. Cabuling, Banga.

Inihayag ni PO1 Laila Vencer ng Banga PNP, galing sa isang beauty pageant ang tatlong bading at habang sakay ng isang motorsiklo sa bahagi ng Upper Liberty sa bayan ng Banga, hinarang sila ng dalawang hindi nakilalang suspek sakay ng kani-kanilang motorsiklo at may dalang kalibre .45 baril.

Tinangkang tumakbo ni Estorninos ngunit agad siyang binaril ng isang suspek sa likod ng ulo.

Si Deretcho ay binistay ng bala sa dibdib at tiyan.

Ang kasama nilang si Caballero ay nakatakbo palayo sa isang palayan at nagtago sa katabing irrigation canal kaya hindi nakita ng mga suspek kaya masuwerteng nakaligtas.

Iniimbestigasyon ng pulisya ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *