Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Semana Santa

00 Kalampag percy

TAMPOK sa pitak natin ngayon ang liham at magkakaibang reaksiyon na ating natanggap sa email mula sa masusugid na mambabasa ng pitak na ito at masusugid na tagapakinig ng gabi-gabi nating programang “KATAPAT” sa Radio DWBL (1242 Khz), na sabayang napapakinggan at napapanood worldwide sa live streaming via ustream.tv/channel/boses mula 10:30 – 11:30 pm, Lunes hanggang Biyernes.

Bilang paggunita sa pagpasok ng Semana Santa, sa darating na Miyerkoles at Biyernes ay wala pong labas ang aming pahayagan bilang paggunita sa pagpasok ng Semana Santa.

Sa susunod na Lunes (April 6) na po magbabalik ang ating kolum.       

Pagmamahal sa kalikasan

Mula kay Maricel Paraan ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City:

“Sir Lapid,

Lahat po sana ay nakiisa sa “Earth Hour” noong nakaraang Sabado, 8:30 hangang alas 9:30 ng gabi.

Ang isang oras na pagpatay o hindi paggamit sa ating mga appliances ay napakalaking tulong na sa ating kalikasan na unti-unti ng nasisira dahil sa patuloy na paggamit ng elektrisidad.

 Ang Earth Hour rin ang magsisilbing paalala ng epekto ng climate change hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.

 Kung matatandaan, marami ng kalamidad ang naganap sa ating bansa at yun ay dahil ng pabago-bagong panahon.

Ang pang-aabuso nating mga tao sa inang kalikasan ang malaking dahilan kung bakit nagkakaroon ng trahedya. Ang hindi natin namamalayan at tayo rin ang unang biktima dahil sa pagpapabaya at pagsasawalang bahala sa nangyayari sa ating kapaligiran.

Kung magtatanim lang tayo ng maraming puno, magtatapon ng basura sa tamang lagayan at magtitipid sa paggamit ng elekrisidad ay mababawasan ang hagupit ng inang kalikasan sa atin.

Labanan natin ang climate change, mahalin natin ang mundo gaya ng pagmamahal natin sa ating mga sarili.”

“Walang human rights ‘pag sundalo, pulis ang napatay”

MULA kay Leandro M. Duran ng Cavite:

“Ginoong Lapid,

Anibersaryo na naman ng rebeldeng New People’s Army malamang maghahasik na naman ng kaguluhan ang mga tulisan. Sa mahigit apat na dekada mula ng matatag ang grupo nila ay puro panlilinlang at panggugulo sa mga mamamayan ang kanilang ginawa.

 Ilan na nga ba ang mga nabiktima nilang kabataan na na-recruit para maging child warrior? Mga kababaihan na naabuso para maging front liner? Ilan na rin ba ang mga komunidad, establisyemento at mga equipment ang sinunog nila dahil sa hindi pagbibigay ng revolutionary tax? Hindi na mabilang ang mga biktima ng kanilang karahasan.

 Tulad ng mga teroristang Abu Sayyaf at BIFF wala silang sinasantong mga sibilyan. Walang pakialam kung sino ang kanilang madadamay. Wala na silang takot sa batas kaya nararapat na siguro ibalik ang death penalty sa dami ng krimen na nagawa nila sa bansa kulang pa ang mabitay sila. Hindi yata nila nauunawaan ang karapatang pantao.

 Sabagay kapag sila ang napatay sa engkwentro maraming human rights group ang magtatanggol sa kanila katulad ng Karapatan at Commission on Human Rights pero kapag pulis at sundalo ang nabiktima tahimik na sila tila mga bulag at bingi na walang nakikita o naririnig sa pinagdadaanan ng pamilya ng tropa ng gobyerno.”

“NPA, nakarma” 

MULA lay Leoncio Miguel Sacay ng Barangay Damayan, Quezon City:

“Napanood ko po sa balita ang video ng mga New People’s Army (NPA) na umatake ng presinto sa Mati, Davao Oriental.

Huling-huli sa CCTV ang mga armadong miyembro na naghagis pa ng bomba na sila rin ang naging biktima ng pagsabog.

 Totoo ngang what goes around comes around. Karma-karma lang sa masasamang loob. Sa kagustuhan nila mang-atake e bumalik din agad sa kanila at malamang ay ‘yung isa sa kanilang kasama ay nasawi pa.

 Kamakailan nga lang nanunog ang NPA ng mga truck sa Bukidnon at patuloy pa rin pinaghahanap ng mga pulis at sundalo ang kanilang miyembro na gumawa noon.

 Hindi pa naman huli ang lahat para sumuko at magbalik sa ating gobyerno ang mga kababayan natin na naliligaw ng landas.”

“Gabriela, wala sa hulog”

MULA kay Rhina Bides:

“Sir Lapid, ‘Yang grupo ng kababaihan na Gabriela wala talaga sa hulog kung magprotesta.

‘Yung pagngakngak nila sa kalsada hindi mo na alam kung talagang gusto nila mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng transgender na si Jennifer Laude o ibasura ang VFA? Gamitin pa daw ba ang pamilya ni Laude sa pansariling interes ng kanilang grupo!

 Sila ang dapat ibasura dahil nakakasanhi lang sila ng trapiko sa kalsada!”

 (Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …