Sunday , December 22 2024

Roxas, isinisulong ang payapang Semana Santa

041614 semana santaNaglabas ng mandato si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa lahat ng local chief executives (LCEs) na siguruhin ang kaayusan sa lahat ng kanilang nasasakupan ngayong Semana Santa.

Sa isang memorandum circular, inatasan ni Roxas ang mga LCE na tipunin ang kanilang local peace and order councils upang pagplanuhan ang transportasyon at emergency medical services para sa posibleng pagdagsa ng tao sa iba’t ibang lugar.

Sinabi ni Roxas na dapat makipagtulungan ang mga lokal na yunit ng pamahalaan sa iba pang awtoridad, kasabay ng pagkilos ng mga pulis, traffic enforcers, barangay tanod, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT) at public safety officers.

Ayon sa kalihim, dapat ring tutukan ang paglilinis at ang wastong pagtatapon ng basura sa lahat ng pagkakataon.

Hinamon naman ni Roxas ang mga empleado ng DILG na isabuhay ang “programmatic, deliberate and sustainable” approach sa kanilang trabaho at personal na buhay habang nagninilay-nilay ngayong Semana Santa.

Ayon kay Roxas, ito ang pamamaran kung saan kikilos isang Pilipino nang hindi bara-bara, hindi kanya-kanya, at hindi pansamanatala o ningas-cogon.

“Plan your work, plan your approach then work your plan, para hindi ka naliligaw,”  pahayag ni Roxas sa mga empleyao ng DILG.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *