Friday , November 15 2024

PNOY mag-iikot sa Semana Santa (Seguridad titiyakin)

101014 pnoy malacananPERSONAL na mag-iinspeksiyon si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino IIII sa ilang lugar para tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong Semana Santa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, palagi itong ginagawa ng Pangulo mula nang simulan ang kanyang administrasyon.

“The President always does that from the time we started his administration, ang ating Pangulo po ay talagang dumadalaw, iniinspeksyon po itong ating mga terminals, mga shipping port, mga airport just to make sure that safety is the number one factor,” ani Lacierda.

Sa nakalipas na mga taon, kabilang sa mga binibisita ang ilang pangunahing pier, paliparan at terminal ng bus para tiyakin ang inilatag na seguridad ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mga biyahero ngayong Semana Santa.

Gayonman, wala pang maibigay na detalye si Lacierda kaugnay ng pag-iikot ni Aquino.

May paalala rin ang Palasyo sa publiko ngayong panahon ng Semana Santa na panahon ng pagninilay-nilay.

“May we encourage our motorists to exhibit safety as they drive. We also would like to remind common carriers of their responsibility to exercise the ordinary diligence in conveying our Filipino passengers to and from their point of destinations.”

Sa Miyerkoles inaasahang daragsa sa mga pantalan, pier at paliparan ang mga biyahero lalo’t sa Huwebes na ang simula ng bakasyon ng maraming empleyado.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *