Thursday , December 26 2024

NBI Director Virgilio Mendez, a dedicated public servant

00 parehas jimmyCONGRATULATIONS muna sa aking mga anak na nakakuha ng honor awards sa Lyceum na si John Jacob Salgado at John Benedict Salgado. We love & proud of you mga anak, keep up the good work at laging pagbutihin ang inyong pagaaral.

God loves and guiding us all the time.

***

Kung pag-uusapan lang ang serbisyo publiko ay isa sa maituturing na talagang may narating ang kanyang pagsisikap ay si Atty. Virgilio Mendez.

Bago siya naging director ng National Bureau of Investigation (NBI) ay marami siyang pinagdaanang hirap.

Sipag at tiyaga ang puhunan niya at tiwala sa Diyos at siyempre kasama na ang pagiging matalino, masunurin at higit sa lahat ang pagiging masikap sa buhay.

Kaya naman, ngayong siya na ang NBI Director, lahat ay kanyang ginagawa para makatulong sa high profile cases kasama na ang kanyang mga Deputy Directors. Lahat sa NBI ay nagtutulong-tulong para ilabas ang katotohanan sa lahat ng mga high profile cases na hawak nila.

Sa ngayon ang latest na kanilang iniimbestigahan ay Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 commando ng Special Action Force.

Kaya lahat ng  nangyari ay kanilang sisiyasatin para malaman kung ano talaga ang puno at dulo ng nangyaring labanan sa Mamasapano.

Kaya naman ang NBI ang number one investigative arm of the gat lahat ay nagtitiwala at sila ay nagkakaisa para sa lalong ikakaganda ng imahe ng NBI.

***

Paano nga ba nag-umpisa si Director Virgilio Mendez sa NBI?

Siya ay pumasok noong January 16, 1978 bilang agent 1 at sa parehong petsa rin siya nanumpa bilang NBI Director.

Bago ang kanyang appointment bilang director ay naging Deputy Director muna siya ng Regional Operation Services.

Si Atty. Mendez ay Inilalarawan ng mga insider bilang low profile at hindi gumagamit ng backer o polotiko para makamit ang position niya.

Siya ay dalubhasa sa pag-iimbestiga kaya naman malaki ang tiwala sa kanya ng Pangulo.

Sa mahigit tatlong dekada niya sa pagseserbisyo sa bayan ay lalo pang dumami ang bumilib sa kakayahan niya kaya naman noong maupo siya bilang Director ng NBI ay maraming natuwa.

Dahil beterano siya sa imbestigasyon, napakarami niyang naarestong mga suspect sa mga high profile cases. Kabilang sa kanyang commendations ang: Guialaludin ‘Boy Muslim’ Otto na wanted at may two counts of murder; Abdulgani “Abdul Malang” Abas na nahulihan ng improvised explosive device at suspect sa brutal na pagpatay kay Kristelle “Kae” Devantes.

Siya rin ang humawak sa kaso at inaresto ang mga suspek sa pagpatay kay Lingayen Vice Mayor Ramon Arcinue at sa kanyang asawa.

Siya rin ang namuno sa Atimonan Shootout at personal na nag-supervise sa imbestigasyon ng Cagayan De Oro bombing.

Si Director Mendez ay nakapasa sa BAR noong 1978 pero bago siya naging abogado ay nag-aral muna siya ng pagpapari pero hindi niya ito natapos.

Siya ay nakatapos sa NBI Academy noong 1978 at ito rin ang taon kung kailan siya naging agent.

Pero bago niya nakarating sa NBI siya ay isang school boy na maagang nagigising at naglalakad ng 45 minuto upang pumasok sa kanyang paaralan saSan Miguel Elementary School sa Poblacion, na may layong tatlong kilometro mula sa kanilang bahay sa Bayongan, San Miguel, Bohol.

Pagkatapos ng kayang klase ay maglalakad at tatakbo siya ulit pauwi sa kanilang bahay.

Aniya, nakapapagod pero pursigido siyang mag-aral dahil ito lang ang solusyon sa kahirapan dahil pag hindi siya nagsikap ay hindi niya malalagpasan ang kahirapan sa buhay.

Sa tahanan nila ay wala pa silang koryente at ang tanging ilaw nila ay nagmumula sa liwanag ng buwan at gumagamit ng Petromax.

Dahil sa hirap ng buhay, tanging sasakyan nila ay horse back riding at apat hanggang limang oras ang takbo bago makarating sa Tagbilaran City na may layong 86 kilometers.

Ang kanyang mga magulang ay itinaguyod silang magkakapatid sa pag-aararo at ang ina naman nila’y nagtuturo sa paaralan.

Sa edad na sampung taong gulang, si Director Mendez ay natutong magtrabaho para makatulong sa kanilang buhay. Siya ay maagang namulat sa trabahong bukid.

Dahil sa kanyang pagsisikap at pag aral siya ay nakatapos hanggang unti-unting umangat sa buhay.

Sa pagdarasal at determinasyon sa buhay ay nakamit niya ang pinakamataas na posisyon sa NBI.

Ngayon, patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan lalo sa kanilang lugar sa Bohol.

Dahil sa kabaitan, katalinuhan, kasipagan at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin ay binigyan siya ng pagkakataon ng Pangulong Noynoy na maging NBI Director.

Lahat ay kanyang ginagawa at hindi nagkamali ang Pangulo sa pagkakalagay sa kanya dahil napakarami na niyang accomplishment mula noong maupo siya.

Mabuhay ka Director Mendez, you are a dedicated leader at pagpalain ka lagi ng ating Panginoon.

God bless us all!

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *