Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagyong Maysak papasok sa PH sa Miyerkoles

maysakBUMILIS nang bahagya ang bagyong Maysak at napanatili ang lakas habang unti-unting lumalapit sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, mula sa dating 15 kilometro bawat oras ay naging 20 kilometro bawat oras na ang usad nito sa direksyon ng pakanluran.

Dahil dito, inaasahang papasok sa PAR ang bagyo sa Miyerkoles Santo at bibigayan ng local name na Chedeng.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 160 kilometro bawat oras.

Bago magtanghali nitong Linggo ay natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 2,810 kilometro sa silangan ng Mindanao.

“This typhoon is still too far to affect any part of the country. It is expected to enter the Philippine Area of Responsibility (PAR) by Wednesday and will be named ‘Chedng’,” ayon sa Pagasa.

Batay sa pagtaya, maaaring tatama sa Luzon o gigilid sa Visayas ang bagyo sa Biyernes Santo o Sabado de Gloria.

Dahil dito, inaasahang magiging maulan ang Luzon at Visayas lalo na weekend ng Semana Santa.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …