Aatras pa ba si Duterte sa panawagan ng masa?
hataw tabloid
March 30, 2015
Opinion
SA latest survey ng Pulse Asia sa presidentiables para sa 2016 election, si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay umakyat sa No. 3, kapantay ni ex-President Erap Estrada, mula sa kawalan.
Pero sa isang TV interview sa kanya kamakailan, sinabi ni Duterte na hindi siya interesado na maging presidente ng Pilipinas. Matanda na raw siya para sa posisyong ito.
Si Duterte ay nagdiwang ng kanyang 70th birthday last Saturday. Mas bata siya ng walong taon kay Erap na plano pang tumakbo uli sa panguluhan kahit may iniinda na sa kanyang mga tuhod at pananalita.
Ang pahayag ni Duterte na ‘di pagtakbong presidente ay ikinalungkot ng masa.
Pero sa tingin ko ay hindi pa totally closed ang isipan ni Digong sa mga panawagan ng mamamayan na naghahanad ng matinong lider, matapang na presidente ala-late Lee Kuan Yew ng Singapore, para kanyang pakinggan.
Ang huling malaking grupo na nagpahayag ng pagsuporta sa ama ng Davao City ay Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Pero kailangan munang magparehistro sa COMELEC itong MILF dahil walang mangyayari sa sinasabi nilang suporta kung hindi naman sila bomoboto. Go! Ginoong Iqbal… sumali na kayo sa politika. Iwanan n’yo na ‘yang pakikidigma. Sayang ang mga nawawalang buhay sa walang kuwentang pakikipaggiyera. Hindi n’yo na kailangan ang BBL (Bangsamoro Basic Law) para sumali sa halalan. Ibaba na ang mga armas ninyo at sumunod sa batas ng Pilipinas. Sumali kayo sa politika. Malay natin sa hanay ninyo manggaling ang mahusay na lider ng bansa. Peace… brother Muslim!!!
Balikan natin si Mayor Duterte, pare ko… sana’y pakinggan mo ang panawagan ng maraming mamamayan na gusto kang maging lider ng ating bansa.
Sayang ang magagandang plano mo sa bansa natin kung hindi mo ito gagawin. Takbo na sa 2016! Go, Digong!!!
Aksyon ng mga pulis sa Tondo…
SUNOD-SUNOD na ang pagkakahuli ng mga pulis sa mga kriminal sa Tondo, Maynila.
Ito ang sinasabi natin na kapag talagang nagtrabaho ang mga pulis, walang pagtataguan ang kahit sinong kriminal.
Sa MPD Station 1 lang under Supt. Redentor Ulsano, sunod-sunod ang pagkakatimbog nila sa mga tulak, holdaper, snatchers at riding in tandem criminals.
Gayon din sa MPD Station 2 under Supt. Jackson Tuliao, nalambat na rin nila ang mga notorsyus na kriminal kabilang ang pumatay sa ex-police na si Dennis Viescas.
Ayos!
Pinasasalamatan ko nga pala si PO2 Guevarra sa pagkakahuli niya sa notoryus na snatcher na si “Nonoy” Yuson na bumiktima sa misis ko kamakailan. Labas-pasok na rin sa Manila City Jail ang adik na ito. Kung may parusang bitay, dapat binitay na ‘yan! Andami nang naperhuwisyong tao ang demonyong ‘yan!
Binabati ko rin ang mga pulis ng MPD Stn. 7. Na-monitor ko ang sunod-sunod na pagkakatimbog nila sa mga holdaper at tulak sa kanilang erya. Ganyan nga, Supt. Villanueva…
Mabuhay kayo, mga Sir!, pagpalain kayo ni Dir. Nana!
Nasunog ang “casa” sa Pasay City
– Mr. Venancio, nasunog ang “casa” ng mga babae dito sa Edison St., Makati City, malapit sa Police Station ng Barangay Pio del Pilar ngayon (kahapon ng 2:00pm). Mismo casa ng mga babae ang nasunog! – 09283869…
O, yung mga lalaki dyan na suki ng nabanggit na casa, wala na kayong mapuntahan, naabo na raw ang tadtaran nyo sa Makati. Lipat na lang kayo sa Libertad, Pasay City. Dami ring pokpokan doon, may mga tulo nga lang ang mga bebot. Aray ko!!!
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015