Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

24-anyos todas sa saksak ng kaibigan  

081414 knife saksak manilaBINAWIAN ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 24-anyos lalaki makaraan saksakin ng kanyang kaibigan kahapon sa Mandaluyong City.

Kinilala ang biktimang si Joel Hizon, nakatira sa 34 Dansalan St., Brgy. Malamig sa lungsod.

Itinuro ng biktima bago nalagutan ng hininga bilang suspek sa pananaksak ang kaibigan na si Reynold Bediasay, 22, alyas Nonoy, tubong Samar, at nakatira sa 171 Sheridan St., Brgy. Buwayang Bato, Mandaluyong.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mandaluyong PNP, dakong 2 p.m. nangyari ang insidente sa Madison Square, ‘di kalayuan sa bahay ng suspek.

Ayon sa ulat ng pulisya, habang nakikipag-inoman ay nagwala ang suspek kaya inawat ng biktima.

Ngunit dahil ayaw magpaawat ay ipinasya ng biktima na ihatid na lamang ang suspek.

Gayonman, nagbunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Naaresto ang papatakas na suspek nang makahingi ng saklolo sa barangay at mga awtoridad ang ilang kaibigan ng biktima.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …