Friday , November 15 2024

P-Noy humingi ng pang-unawa sa publiko  

00 bullseye batuigasINAKO ni Pres. Noynoy Aquino ang responsibilidad at hiningi ang pang-unawa ng publiko sa kinalabasan ng “Oplan Exodus” na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Sa harap ng mga nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) class of 2015 nitong Huwebes, sinabi ng Pangulo na hindi raw niya hahayaang pumunta sa isang suicide mission ang sino man sa ating unipormadong hanay kung lubha itong peligroso.

“Pero sa ipinakita sa aking bersyon ng plano, nakumbinsi ako na talagang pinaghandaan at magiging maayos ang pagpapatupad nito,” paliwanag niya. Nanghihinayang daw si P-Noy sa tiwala na ibinigay niya sa nangasiwa ng misyon. Kung sinabi agad sa kanya na nasa panganib ang SAF at hindi nasunod ang utos niya na koordinasyon sa militar, hindi raw ba siya aaksyon?

Kung uunawain nang maigi ang naging takbo ng operasyon ay babagsak ang lahat ng sisi sa nagbitiw na PNP chief na si Dir. Gen. Alan Purisima, na nagmaniobra at nagmando sa aksyon na ginawa ng SAF kahit na suspendido ito sa panahong iyon. Siya rin ang nag-utos na huwag sabihin ang misyon kina Interior Sec. Mar Roxas at PNP OIC Dep. Dir. Gen. Leonardo Espina.

“Gaano man katindi ang galit ko sa ginawang pagsuway sa ibinigay kong utos, gaano man ang pagsisisi ko sa pagtitiwala sa mga taong itinago sa akin ang totoo, hindi ko mabubura ang katotohanan. Patay na ang 44 na miyembro ng ating kapulisan,” dagdag ni P-Noy.

Responsibilidad daw ng Pangulo na iwasto ang mga kamaliang naganap sa Mamasapano, mga mare at pare ko. “Mananagot ang dapat managot,” pangako niya.       

Manmanan!

***

NADAKIP ng mga elemento ng Manila Police District Station 6 sa pamumuno ng kanilang station commander na si Supt. Roberto Domingo ang ikatlo sa “most wanted” ng Las Piñas.

Ang suspek na si Ricardo Robles alyas “Antonio Caragay” na naninirahan sa kalye Ipil, Pandacan, Maynila ay pinaghahanap dahil daw sa serye ng nakawan sa Las Piñas.

Pinakilos ni Domingo ang kanyang mga pulis upang alamin kung saan naglalagi at naglulungga ang suspek. Nang matiyak kung saan ito matatagpuan ay si Domingo mismo ang namuno sa pag-aresto, na dala ang arrest warrant laban dito.  

Binulaga nila si Robles habang nanonood ito ng TV sa bahay. Nakakuha rin si Domingo ng baril at mga bala mula sa suspek na kanyang pinaberipika kung lisensyado ba o hindi.

Binabati natin ang district director ng MPD na si Chief Supt. Rolando Nana, Supt. Domingo at ang kanilang mga pulis sa tagumpay na ito. Sa totoo lang, mga mare at pare ko, walang puknat ang mga direktiba ni Nana sa mga pulis-Maynila na pag-ibayuhin ang laban sa kriminalidad at kitang kitang epektibo ito sa sunud-sunod nilang huli sa mga nakalipas na linggo.

Palakpakan!

***

PUNA: “Walang kasalanan ang presidente sa pagpatay sa 44 SAF. May kasalanan doon si Napeñas. Purisima suspended nakialam pa. Naniwala ang leader ng SAF sa kanya.” 

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *