Monday , December 23 2024

TRO vs Binay suspension ipinatitigil sa SC ng Ombudsman

FRONTHUMIRIT ang Office of the Ombudsman sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang inisyung temporary restraining order (TRO) ng Court of Appeals (CA) laban sa suspension order kay Makati Mayor Junjun Binay.

Marso 11 nang magpalabas ang Ombudsman ng anim-buwan preventive suspension kay Binay at sa iba pang opisyal ng lungsod na sinundan ng panunumpa ni acting Mayor Romulo Peña. 

Ngunit makaraan ang ilang oras, nagpalabas ng 60-araw na TRO  ang CA, bagay na kinuwestiyon ng kabilang kampo.

Miyerkoles ng hapon, naghain na ang anti-graft court ng petition for certiorari and prohibition na humihirit ng TRO at writ of preliminary injunction para pigilan ang CA sa pagpapatupad ng inisyu nitong TRO.

Paninindigan ng Ombudsman, may awtoridad sila bilang isang independent constitutional body sa pag-iisyu ng suspension order sa opisyal ng gobyerno.

Sinalag din ni  Ombudsman Conchita Carpio Morales ang bantang contempt sa pagsasabing ilegal at improper ito dahil isa siyang impeachable officer.

Kaugnay nito, dapat din aniyang itigil ang mga proceeding kaugnay ng apela sa CA ng kampo ni Binay.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *