Friday , November 15 2024

Survey, kathang-isip lang

00 Kalampag percyMALAKI na naman tiyak ang kinita ng Pulse Asia sa kanilang mga latest survey.

Kesyo wala raw nag-commission o nagbayad para gawin ang pnaka-huli nilang survey na nangunguna pa rin si Binay kahit walang naniniwala na hindi nagnakaw ang kanyang pamilya.

Ano kaya, kung subukang magpa-survey ng mga nagbabalak kumandidato na walang bayad, papansinin kaya sila o malalagay rin ang kanilang pangalan bilang nangunguna?

Ang mga survey ay malaking kalokohan para linlangin ang publiko na malakas ang isang kandidato na nagbayad sa survey kuno.

Kailanman ay hindi dapat pagbasehan ng botante sa kanyang pagboto ang survey, kundi sa track record ng kandidato para malaman kung ano ang ginawa nito bilang lingkod-bayan.

Lacson for President?

SABI ni dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson, isama raw siya sa mga “undecided presidentiable” sa 2016 elections.

Sino kaya ang nakapagsabi kay Ping na may maipagmamalaki siyang track record para maging pangulo ng bansa?

At paano kaya niya naisip na presidentiable siya?

Aray ko!

Not once, but twice?

WALA namang kibo si Sen. Grace Poe nang palutangin ni Ping ang posibleng tambalan nila sa halalan.

Hindi kaya mapasigaw na naman si Ms. Susan Roces ng: “Not once but twice!”

‘Buti na lang

NANAIG ang pansariling ambisyon ni Ping na maluklok sa Palasyo kaya hindi siya pumayag na maging bise-presidente ni FPJ noong 2004 elections.

Sabi nga, naghangad ng kagitna, isang salop tuloy ang nawala.

Sa isang banda, mabuti na rin ang nangyari dahil kung nagkataong nanalo sila ni FPJ at nasawi ang action king noong Disyembre 2004, si Ping sana ang naging Presidente.

Good riddance!

“Choppy” na naman si Miriam

SI “pambansang dummy” Manny V. Pangilinan daw ang manok ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa 2016 presidential derby.

Nabura na sa memorya ni Santiago ang Konstitusyon kaya iniiendorso niya si MVP, na dummy ng mga Salim ng Indonesia sa mga negosyong kontrolado ang mga public utilities sa bansa?

“Choppy” na naman ba ang memorya ni Tita Miriam?

Binay: “Uling Kuan Yew”

INIHALINTULAD ni Vice President Jejomar Binay ang sarili sa pumanaw na Founding Father of Singapore na si dating Prime Minister Lee Kuan Yew.

Kahit kailan ay hindi nasangkot si Lee sa ano mang isyu ng anomalya o katiwalian, paano sila naging magka-level?

Binabangungot ba ng gising ang Bise-Presidente?

Baka mas bagay raw yatang itawag sa kanya ay “Uling Kuan Yew”.

Boses ng netizens

ELY SANTOS (Marikina): “Ubod talaga ng kapal ang mukha ni Binay, hindi na kinilabutan ikumpara ang sarili niya kay Lee Kuan Yew.”

***

LITO JOAQUIN (Mandaluyong): “Si Erap, siya ang buni ni Bonifacio.”

***

JESS FACTORAN: “Si Binay ULING KUAN YEW, si Erap MANDALE naman, hindi Mandela.”

***

A.P. GUERRERO: “Laking insulto na ikumpara ni Binay na magkapareho sila ni Lee Kuan Yew. Ang kapal talaga! Si Lee Kuan Yew ay hindi nagnakaw.”

Teritoryo ng ‘Pinas ituro sa eskuwela

Gabriel Toledo (Camiling, Tarlac): “Dear Sir Lapid, Kaya siguro inaangkin ng China ang West Philippine Sea dahil sa mga balita South China Sea pa rin ang taguri at yun rin ang mga nakalagay sa mga diyaryo sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang China pa naman makita lang sa lumang papel ang pangalan ng bansa nila ay akala yata kanila na lahat ng mga teritoryo na may nakasulat na “China” katulad ng lumang mapa na basehan nila sa pag-angkin sa karagatan ng Pilipinas. Kung hindi sila gahaman 90 porsyento ng teritoryo ang kinikuha nila. Dapat sa mga karatig bansa ng Pinas magkaisa katulad na lang ng Presidente ng Indonesia na si Joko Widodo na ipinagsawalang bahala ang 9-dash line na kini-claim ng China at walang bansa sa mundo ang naniniwala dito. Mas maganda rin siguro kung isasama sa curriculum ng elementary at high school ang “WEST PHILIPPINE SEA” imbes na South China Sea ang nakaimprenta sa mga libro para bata pa lang alam na ng mga mag-aaral ang ating teritoryo na kanila ring mamanahin sa paglipas ng panahon. Idagdag rin ang pagkakaroon ng modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas para malaman ng China na hindi tayo basta-basta magpapagapi.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *