Friday , November 15 2024

Sinseridad ang kailangan

USAPING BAYAN LogoHABANG isinusulat ko ang kolum na ito ay umaalingaw-ngaw ang panawagan ng bayan sa ating espesyal na Pangulong Benigno Simeon Aquino na humingi ng paumanhin kaugnay ng kanyang papel sa madugong kinalabasan ng “Oplan Exodus” sa Mamasapano na 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force ay minasaker ng magkatotong grupo na Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Mahigit nang dalawang buwan mula nang mangyari ang masaker kaya palagay ko sa yugtong ito ay huli na ang lahat para sa espesyal na Pangulong BS Aquino na mag-sorry. Ano man ang kanyang sasabihin o gagawing paghingi ng tawad ay wala nang ibig sabihin o sinseridad. Malinaw pa sa sikat ng Haring Araw na bunga na lamang ng gulang kung sakaling mag-sorry man ang espesyal na Pangulong BS Aquino sa ngayon.

Ang pagiging bukal o spontaneous ng paghingi ng tawad ang kadalasang batayan nang katapatan ng isang humihingi ng tawad. Para sa ating mga Pilipino, kung may pag-aatubili ang isang humihingi ng paumanhin ay lumalabas na hindi buo ang loob nito sa pagpapakumbaba. Walang sinseridad ‘ika nga kaya bakit pa tayo mananawagan ngayon sa espesyal na si BS Aquino para humingi ng tawad?

* * *

Halatang-halata kung walang sinseridad ang isang tao sa kanyang mga sinasabi o ikinikilos. Isang halimbawa nito ang pagiging halata ng espesyal na Pangulong BS Aquino nang siya ay kauna-unahang humarap sa mga naulila ng 44 PNP-SAF.

Halatang-halata na walang sinseridad si BS Aquino nang siya ay makiramay sa mga naulila ng 44 na pulis na minasaker ng MILF-BIFF. Kung ibig talagang makiisa bilang “ama” ng bayan ni BS Aquino, dapat kagyat niya itong ginawa.

Dapat sinalubong niya ang labi ng mga pulis nang dalhin sa Villamor Air Base sa Lungsod ng Pasay. Pero mas inuna niyang maki-chika sa mga executives ng Mitsubishi kaysa makiisa sa pagdadalamhati ng bayan. Siguro dahil mas mahalaga sa espesyal na pangulo ang mga auto kaysa mga tao.

 * * *

Magkakagiyera raw kung hindi ipapasa ng mga mambabatas ang Bangsamoro Basic Law o BBL sa kasalukuyan nitong anyo. Ito ang mapanakot na pahayag ni Ghazali Jaafar, ang vice chairman ng MILF. Ganoon na kahina ang ating pamahalaan na kayang- kayangng maging mapangahas ni Jaafar.

Sa kahinaang ito tayo dinala ni BS Aquino at mga amuyong na hangal at takbuhin o defeatist kaya ganon-ganon na lang tayong takutin ng mga Moro. Hindi tayo dapat pumapayag nang ganito. Walang may gusto ng digmaan pero ;wag ninyong takutin ang lahing marangal…mandirigma rin ang liping ito.

Nakalulungkot na mga tulad ni Jaafar ang ipinagtatanggol nila Aling Teresita Deles, Miriam Coronel Ferrer at Etta Rosales.

Haaaayyyyy…

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *