Saturday , November 23 2024

Di rehistradong behikulo huhulihin simula Abril 1

00 pulis joeySIMULA next week, Abril 1, ay ipagbabawal na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga hindi rehistradong sasakyan na bumiyahe. Huhulihin na raw nila ito, sabi ng kanilang spokesman na si Jayson Salvador.

Nilinaw ni Jayson na ang mga sasakyan na walang plaka pero rehistrado ay maaari pang bumiyahe.

Aniya, tambak na ang available plates ngayon sa kanilang tanggapan (LTO). Kaya hindi aniya puwedeng idahilan ng mga tindahan o kompanya ng sasakyan na wala pang available plates sa LTO.

Ang plaka ng sasakyan ay inire-release aniya in 45 days after mabili ang sasakyan.

Sa totoo lang, mga igan, ayaw kong maniwala sa pahayag na ito ni Jayson Salvador e… Kasi nga ang kotse ko, binili ko noong Disyembre 2014 sa Mitsubishi-Abad Santos, Tondo, Manila, pero hanggang ngayon ay wala pang ibinibigay sa akin na Certificate of Registration (CR) at plaka ang  Mitsubishi.

Hanggang ngayon Sales Invoice (SI) lang ang hawak ko. Ibig sabihin ay hindi ako makabibiyahe sa probinsiya this coming Holy Week? E… ang hirap mag-commute, siksikan at ang init… Magkaka-heat stroke tayo sa LTO na ito.

Pwe!

Pekeng HPG ang nanghuhuli kuno sa Agusan del Sur

Mr. Venancio, report ko dito sa Trento, Agusan del Sur, ang mga HPG (Highway Patrol Group) na nanghuhuli ay mga peke. Kahit tingnan po ninyo dito. Hanggang sa ma-Bayugan, Agusan ganun din. Ang babastos pa nila mag-approach… at ang laki manghingi, pinakamababa ay P1,000.  Napatunayan kong peke ang HPG dito kasi yung isang nanghuli kuno ay taga-amin, bata-bata lang ng pulis. Hindi mga tunay na HPG ang nanhuhuli kundi mga “bata-bata” lang nila. Hindi po ba bawal ang ganun? Dapat ma-media ito at makarating sa itaas. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Sekyu ng JERICKO sa Cavite 2 months nang di sumasahod

– Sir Joey, magandang umaga po. Isa po akong masugid na tagahanga nyo. Isa po akong guardia ng JERICKO agency. Dalawang buwan na po kaming hindi sumasahod. Maliit na nga ang sahod eh lagi pa delay. Dito po sa Cavite ito. – Guard

Kung sinuman ang may-ari nitong JERICKO security agency, baka hindi mo pa alam ang problemang ito ng inyong guard dyan sa Cavite, aba’y paki-ayos lang, boss! Hindi puwedeng gawing rason na kapag hindi pa nakabayad ang kliyente ay hindi rin sasahod ang sekyu. Paano kung 5 months delayed ang payment ng kliyente, 5 months din bang ‘di sasahod ang sekyu?

3 monnths nang di sumasahod ang J.O. sa Manila City Hall

– Sir Joey, gutum na gutom na po ang pamilya ng mga J.O. (Job Order). Tatlong buwan na po hindi sumasahod. Halos mamalimos na po mga empleyado ng Manila City Hall. Katukin nyo naman po si Mayor Erap. Inabot na po ng Mahal na Araw, gutom na po mga J.O. Pakiusap po wag nyo ilabas ang numero ko baka pag-initan ako. – Manila City Hall worker

Baka hindi pa ito alam ni Mayor Erap, Pangulong-Mayor, Sir! Mga botante mo itong tatlong buwan na raw hindi sumusuweldo as Job Order ng Lungsod. Maawa naman kayo sa kanila,  Erap para sa mahirap.

Lacson-Cayetano ang gusto sa 2016

– Gud day, Mr. Venancio. Sa 2016 gusto ko maging presidente si Senator Panfilo Lacson, vice president si Sen. Alan Cayetano. Tandem ng good law enforcer at good lawyer. Both are good administrators, anti-corruption. Had Sen. Lacson won in 2004 election, both GMA and PNoy could not have been president. – 09284253…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *