Thursday , November 14 2024

Untouchable sina ‘Toce’ at ‘Willie K.’ sa Laguna at SPD

CRIME BUSTER LOGOSA kabila ng sunod-sunod na raid ang ginawa ng mga operatiba ng Task Force Tugis ng Philippine National Police at ng Regional Intelligence Unit ng RIU4-A sa mga ipunan ng kubransa ng bookies ng Small Town Lottery (STL-jueteng) sa apat na bayan sa lalawigan ng Laguna ay aktibo pa rin ang pa-1602 ng gambling financier na si Edwin, alias “Toce.”

Sinasabing si Toce ang isa sa pinakamalaking operator/capitalista ng bookies ng STL sa 1st district ng Laguna na ang gambling networks ay sumasakop sa bayan ng San Pedro City, Biñan City, Sta. Rosa City, Calamba City hanggang Los Baños, Laguna na ang daily bets collections ay umaabot nang milyones kada buwan.

Ayon sa ating sources, bukod sa sabungerong si Toce, kinikilala rin lords ng lords ng mga kubradores at cabos ang mga gambling operators na sina Tita, alias “Dinglasan” at ang Sanchez group na naka-base sa bahagi ng Calabarzon. Iyan ay sa bahagi ng Batangas province at sa bayan ng Alaminos, Laguna. Kahit ipagtanong pa sa tropang Totoy Haruta.

Hindi naman puwedeng mag-operate sa isang municipalidad, probinsiya o bayan ang isang ilegalista kung hindi siya nakatimbre sa pinagkakatiwalaang engkargado ng kabuhayan, taga-ipon ng pitsa de weekly padulas. Sigurado sa kulungan sila babagsak at sasampahan sila ng kaso sa piskalya ng paglabag sa RA-9287 (Anti gambling law). Tama po kaya ako, Mr. ingat-yaman, Jhong Valera?

Nang ibulgar natin ang rampant na illegal operations ng iba’t ibang uri ng vices sa lalawigan ng Laguna ay mabilis na umaksyon ang intelligence group (IG) ng Region 4-A at ang mga operatiba ng PNP-Task Force Tugis. Ang Task Force Tugis ay nasa command ni Sr/Supt. Ronald Lee.

Kaagad silang nagsagawa ng tracking operations sa dalawang bayan sa lalawigan ng Laguna laban sa mga kubrador ng illegal na bookies ng STL na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong gambling personel.

Una silang nakahuli ng apat na katao sa Barangay Real, Calamba City, Laguna at apat na katao sa Barangay Anos, Los Baños City, Laguna.

Ang apat kataong nadakip sa Brgy. Anos, Los Baños City, Laguna, ay mga cabo at rebisador ng mga taya sa bookies ng STL. Naaktohan sila habang abala sa pagrerebisa ng mga taya sa polyetos.

Sa isang lugar sa Barangay Sto. Niño sa Biñan City at sa Barangay Gulod, Cabuyao, Laguna ay magkasabay rin sinalakay ng TF Tugis ng PNP ang nasabing lugar na ginagawa rin hideout o ipunan ng mga kubransa ng fake na STL.  

Ang STL bookies ay walang pagkakaiba sa sugal na jueteng. Numero ang pinaglalabanan rito. Ang resulta ng winning numbers combinations ay kinukuha ng mga cabo at kubradores sa tunay na resulta ng PCSO-STL. Milyones ang nawawala sa STL ng PCSO dahil ang malaking taya ng mga manunugal ay kinakahig ng mga gambling lords. Sila ang dapat habulin at pagbayarin ng tax ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Teka, ano kaya ang ginagawa ng provincial police director sa Laguna? Kailan niya sisibakin ang mga chief of police na nahulihan ng bookies ng STL???

Sa ilang bahagi na sakop ng Southern Police District (SPD), panay naman ang kahig ng lotteng bookies ng grupo ni Willie Kalagayan sa bayan ng Parañaque City at Las Piñas City.

Bukod sa open ang operasyon ng lotteng bookies sa Parañaque at Las Piñas ay balak pa raw mag-extend ng sugal de numero ang grupo ni Kalagayan patungo sa bayan ng Muntinlupa City. Iyan ay matapos na takbuhan, hindi magbayad ng patama at INT ang runner na si Jake, alias “Duling” sa kausap na si Manay Josie. Nakadale na naman nang milyones na salapi sa Muntinlupa ang fake na gambling lord na si Jake.

Sa kasalukuyan, hawak na ni W.K., ang lahat ng uri ng bookies sa Las Piñas at Parañaque City. Kay W.K., ipinamana lahat ni Mang Art ang pa-1602 sa area ng south of Metro Manila (SPD), simula nang bumitaw, umayaw ang 4-Aces brothers sa Parañaque. May kabuntot pa.

Pahaging lang!!! Umaariba si Sgt. Agrimano

HANEP din daw ang kapal ng apog ng isang nagpapakilalang Sgt. Agrimano sa ginagawang pag-iikot, pangongotong sa mga putahan, sugalan, beerhouses, club at sauna bath sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ang masaklap, isinasangkalan pa raw ni “alias Greg” ang pangalan ni PNP OIC, general Leonardo Espina at PNP-NCRPO chief, general Carmelo Valmoria para maipangotong ng pondo ang kandidatura ni SILG Sec. Mar Roxas sa 2016.

General Pelisco ng OIS-DILG, ipahuli n’yo na si alias “Greg.” Bilis!!!

Napasubo si Vice Peña

HULI na nang mapag-isipan ni Vice Mayor Romulo “Kid” Peña na naiipit na siya sa banggaan ng gobyerno at ni Makati City Mayor Junjun Binay.

Kaya nais nang humingi ng dialogue ni Vice Peña sa alkalde ng Makati sa anak ni Vice President Jejomar Binay.

Sino kaya sa dalawang local government official ng Makati ang puwedeng makasuhan ng paglabag sa batas. Si Vice Peña o si Mayor Binay???

Abangan!

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *