Thursday , December 26 2024

Suyo ng Baguio taxi drivers sa LTFRB, pagbigyan!

00 aksyon almarNITONG nakaraang linggo nasa Baguio City tayo hindi para sa isang bakasyon kundi may kinalaman sa trabaho sa imbitasyon ng isang grupo ng taxi drivers/operators ng lungsod.

Hiniling ng mga nakausap natin na huwag nang banggitin ang kanilang pangalan, katunayan ang simpleng informal meeting namin ay lingid sa kaalaman ng asosasyon ng taxi/operators sa lungsod.

Tinalakay namin habang kumakain ng adobong aso este, kambing pala, ang ipinag-utos ng LTFRB na bawas P10 sa metro ng taxi. Napakalaking halaga raw nito sa kanila. Sa loob ng isang araw daw, sakaling 40 beses silang nakapagsakay. P400 na ang bawas sa kanilang kita. Malaking kabawasan nga ito.

Ngayon, pakiusap nila sa LTFRB na hiniling naman nilang ilathala natin na sana’y huwag nang isali ang Baguio taxi sa kalakaran. Bakit naman kaya?

Bakit nga naman huwag silang isali? Iyan ang katanungan ko sa kanila…at binanggit ko rin na unfair naman sa Manila taxi kung sakaling paboran ng LTFRB ang kanilang kahilingan.

Agree naman sila na magiging unfair nga pero, depensa ng grupo, hindi reasonable kasi ang bawas na P10 dahil mataas pa rin ang presyo ng mga produktong petrolyo sa lungsod. Hindi pa rin nila ramdam.

Last week ang isang litrong diesel sa lungsod ay P33.30 habang ang gasolina ay P44.50. Mataas nga kompara rito sa Metro Manila. Dito sa Metro Manila ang diesel ay P28.00 habang ang gasolina ay P39 to P40,  kaya malayo nga ang diperensya.

Kaya kuha ko na agad ang kanilang pakiusap sa LTFRB. Pero ano pa man daw kung sakaling hindi pumayag ang LTFRB sana naman daw ay ikonsidera ng ahensiya ng pamahalaan ang isinumiteng petisyon ng organization ng Baguio City taxi drivers/operators ang P5.00 na bawas.

Well, susuriin bagama’t bumaba nga ang presyo ng produktong petrolyo pero sa Baguio ay hindi ito gaano ramdam, dapat siguro, ikonsidera ng LTFRB ang paki-usap. Hindi ko na sasabihin ang dahilan…kuha naman na siguro ng LTFRB ang punto natin lalo na’t parang walang nabagong presyo sa lungsod.

Bukod dito,  simula noong nagpabalik-balik ako sa Baguio – since 1986, wala pa akong nasakyang tadong taxi sa lungsod. Wala pa akong naenkuwentrong abusadong driver dito hindi tulad sa Metro Manila. Anak ng …pu…sa! Nagkalat sila!

Oo, sa Baguio hindi namimili ang mga driver, hindi rin sila nangongontrata. Pagtawag mo, buksan mo ang pinto upo ka agad at sabihin mo lang kung saan ka pupunta…okey na. Wala kang maririnig sa driver.

At dahil sa ipinakikita pa nilang disiplina…doon pa nga sila kung minsan kumikita ng magandang tip mula sa mga pasahero. Tiyak kong maraming agree dito lalo na iyong mga laging nagta-taxi sa Baguio.

Malayo man o malapit, isasakay ka nila at walang karagdagang singil na maririnig sa mga driver.

Kaya sa ipinakikitang attitude ng mga driver, nararapat na maging exempted ang metro ng taxi sa bawas P10 ng LTFRB.

Hindi lang ito ang puwedeng pagbasehan sana, kundi maging sukli mong P1 ay ibinibigay ng driver. Ganoon sila sa Baguio.

Hindi told dito sa Metro Manila, pu…sang ina ang maraming driver dito. Abusado na, may mga holdaper pa sa kanila.

Ewan ko naman kung bakit hindi maubos-ubos ang lahi ng mga damuhong ito. Okey hindi naman lahat ay ganito ang driver sa Metro Manila. Siguro isa sa bawat 100 driver o sabihin na natin 5 sa 100.

Kaya nakikiusap ang mga tropa ng taxi driver at operator sa Baguio na sana naman ay ikonsidera ng LTFRB ang kanilang pakiusap.

***

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, magtext lang sa 09194212599.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *