Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MPD off’l, pulis sinibak sa ikinadenang inmates

FRONTSINIBAK ang isang jail official at isang pulis sa Manila Police District (MPD) na itinurong responsable sa pagkakadena sa apat na akusado na nasipat ng HATAW photojournalist habang ibinababa sa headquarters para ilipat sa Manila City Jail nitong Martes ng hapon.

Ayon kay MPD Director C/Supt. Rolando Nana, ini-relieve niya si Integrated Jail chief PCInsp. Danilo Soriano  at ang jailer na   si  SPO4 Roberto Cleofe na umako sa responsibilidad na nag-kadena at nag-padlock sa apat na preso.

Kasabay nito, iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang retratong nagpapakita ng apat na presong ikinadena at ikinandado ang mga kamay na nakuhaan ni HATAW photojournalist Bong Son. 

Nakuha ang larawan habang inilalabas sa Manila Police District (MPD) Integrated Jail ang mga bilanggong ililipat sa Manila City Jail. Makikita rin sa retrato na walong padlock ang nagsasara sa kadena paikot sa kamay ng mga akusado. 

Kasunod ng pagkalat ng larawan sa social media, umani ng batikos mula sa netizens dahil sa paglabag sa karapatang pantao. 

Ngunit depensa ni MPD Chief Supt. Rolando Nana, hindi labag sa batas ang kanilang ginawang pagkadena sa mga preso.

Batay umano sa Article 235 ng Revised Penal Code, pinapayagan ang paggamit ng shackles kung ang kriminal ay klasipidong delikado at sangkot sa mabigat na krimen.

Maaari rin aniya itong gawin kung ililipat ng kulungan ang suspek at hindi maiiwasan ang banta ng pagtakas. 

Habang ikinatwiran ng jailer na si Cleofe na hindi maituturing na maltreatment ang pagkadena dahil ang apat ay sangkot sa mga non-bailable na kasong murder at human trafficking. 

Dagdag ni Cleofe, kahit mayroon silang posas, mapanganib ilipat ang apat na bilanggo dahil nagkataong may aktibidad sa quadrangle ng MPD headquarters at maraming tao. 

Isinailalim na sa administrative relief si Cleofe habang iniimbestigahan ang insidente.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …