Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

MILF report malaking kalokohan — Sen. Alan

020315 PNP SAF Le Tour de FilipinasBINATIKOS ni Senador Alan Peter Cayetano ang isinumiteng report ng Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay ng madugong sagupaan sa Mamasapano.

Tinawag ng senador na kalokohan ang naturang report at maraming butas.

“Pinalaki lang ho ako na bawal magmura kaya hindi ako magmumura sa report na ‘to, pero napakalaking kalokohan po kasi unang-una gobyerno pa may kasalanan at sila pa magko-complain,” ani Cayetano.

“Even assuming na totoo, walang coordination para bang ‘yung death sentence sa pumasok sa lugar nila e kailangan natin tanggapin.”

Iginiit ng MILF sa report na walang pananagutan ang kanilang Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) sa pagkamatay ng 44 na Philippine National Police-Special Action Forces (PNP-SAF).

Sa halip, sinisi ng MILF ang PNP-SAF dahil hindi nakipag-ugnayan sa kanila o failure of coordination sa operasyong target ang mga teroristang sina Marwan at Basit Usman. 

Mamasapano Report pinanindigan ni Poe

PINANINDIGAN ni Senate Committee on Public Order chair, Senator Grace Poe ang committee report sa Mamasapano incident. 

Pirmado na ng 20 senador ang report na nagsasabing masaker ang insidente na 44 SAF commandos ang namatay. Inirerekomenda rin niyang kasuhan ng murder ang mapapatunayang nasa likod nito.

Ayon kay Poe, nauunawaan niya ang taliwas na pananaw ng MILF sa mga pangyayari partikular sa tindi ng pagpatay sa SAF 44 dahil iba ang mga testigong kinunan ng pahayag.

Mapapasama aniya ito sa pagbusisi ng Senate joint committee sa pagtalakay ng plenaryo sa insidente sa Mayo.

Gayonpaman, pinapurihan ni Poe ang pamunuan ng MILF sa pagkompleto sa kanilang imbestigasyon at pagbibigay ng kopya sa Senado. 

Importante ngayon, ani Poe, matapos ng DoJ ang imbestigasyon sa sagupaan sa lalong madaling panahon para makilala at makasuhan ang nasa likod nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …