Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeepney bumaliktad 2 patay, 10 sugatan (Sa Zamboanga City)

Police Line do not crossZAMBOANGA CITY – Dalawang pasahero ang namatay habang hindi bababa sa 10 ang sugatan makaraan bumangga sa poste ng koryente ang isang public utility jeepney (PUJ) hanggang bumaliktad sa highway ng Brgy. Pasobolong sa Zamboanga City kahapon.

Ayon kay Supt. Ariel Huesca, hepe ng Zamboanga City Public Safety Company (ZCPSC), papunta sa sentro ng lungsod ang naturang sasakyan dakong 8 a.m. kahapon nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, umiwas sa dalawang nakasalubong na motorsiklo ang driver ng PUJ kaya nawalan ito ng direksyon sa pagtakbo na humantong sa aksidente.

Nakaligtas ang sakay ng isang motorsiklo ngunit nadamay ang isa pang motorsiklo na may dalawang sakay at kabilang sa mga nasugatan.

Idineklarang dead on arrival sa ospital si Romualdo Apolinario, 30, nadaganan sa ilalim PUJ, habang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas ang 13-anyos estudyante na si Pauldrick Atilano.

Sugatan din ang 18-anyos kapatid ni Atilano na si Renmark.

Nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang driver ng sasakyan na kinilalang si John Michael Fabian, 23, kabilang sa mga sugatan sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …