Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iniwan ng GF binatilyo nagbigti

030715 bigtiKALIBO, Aklan – Dinamdam ng isang 17-anyos binatilyo ang pakikipaghiwalay ng kanyang girlfriend kaya nagbigti sa puno ng mangga sa likurang bahagi ng kanilang bahay sa Brgy. Polocate, Banga, Aklan kamakalawa.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, nitong mga huling araw ay kalimitang nakatingin sa malayo at bakas ang kalungkutan sa mukha ng biktimang hindi muna pinangalanan, residente ng naturang lugar.

Hindi inakala ng mga kaanak na wawakasan ng biktima ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa puno ng mangga.

Buong gabi anilang hindi umuwi sa kanilang bahay ang biktima ngunit hindi nila akalain na makikita siyang nakabitin sa puno at wala nang buhay.

Narekober sa draft messages sa cellphone ng binatilyo ang isang text message na nagpapaalam sa kanyang kasintahan dahil sa hindi matanggap na pakikipaghiwalay ng girlfriend sa kanya.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …