Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

18-anyos dalagita nakatakas sa manyak na kidnaper

101614 rape girl abusedNAKATAKAS ang isang 18-anyos dalagita sa isang manyakis na dumukot sa kanya sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO3 Vanessa de Guzman ng Marikina PNP Women’s and Children’s Desk, itinago ang biktima sa pangalang Lorna, 18-anyos.

Kwento ng biktima, dakong 8 p.m. naglalakad siya sa Gil Fernando Avenue, Sto. Niño sa lungsod nang huminto sa tapat niya ang isang asul na Ford Everest na walang plaka at bumaba ang suspek habang hawak ang baril.

Tinutukan aniya siya ng baril sa leeg at kinaladkad papasok ng sasakyan.

Matagal aniya silang nagpaikot-ikot at sa takot ay hindi na niya matandaan ang lugar hanggang itigil ng suspek ang sasakyan sa tabi ng isang Burger King sa kanto ng Pambuli St., San Roque, Marikina City.

Muli aniya siyang tinutukan ng baril, pinaghahalikan at nilamas ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Gayonman, nang makakita ng tiyempo ang biktima ay tumalon habang nakahinto ang sasakyan at humingi ng saklolo sa security guard ng isang fastfood chain ngunit mabilis na pinasibad ng suspek ang sasakyan.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang awtoridad at inalarma na ang asul na SUV sa iba’t ibang lugar para matukoy at maaresto ang suspek.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …