Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

 ‘Songs for Heroes Benefit Concert’ para sa “SAF-44” tagumpay!

songs for heroesMANILA, Philippines – ANIM na milyong piso ang nalikom sa matagumpay na benefit concert na ‘Songs for Heroes’ sa Mall of Asia (MOA) noong Marso 19 para sa mga napaslang at mga nasu-gatang kasapi ng Special Action Force ng Philippine National Police (SAF-PNP) matapos ang kanilang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ang proyekto ay sa kagandahang loob ni Bro. Eli Soriano ng “Ang Dating Daan” na sinuportahan ng ‘Members Church of God International’ (MCGI) at ng UNTV sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon.

Ayon kay Bro. Eli, inilunsad ang ‘Songs For Heroes’ dahil sa layunin nitong maging kaagapay ni Pang. Benigno Aquino III sa pagtulong sa mga naiwang pamilya ng 44 SAF members.

Aniya, sa halip na manawagan para magbitiw si Pang. Aquino, mas makabubuti umanong maging kabahagi ng solusyon at pagtulong sa kapwa tao.

Napuno ng “tribute songs” ang gabi ng konsi-yerto na iniaalay sa magigiting na bayani ng SAF at sa kanilang mga kaanak.

Kasama sa mga nagbigay ng kanilang talent at panahon ay sina Noel Cabangon, Jonalyn Viray, Jay Durias, Faith Cuneta, Bo Cerrudo, Jek Manuel, Shane Velasco, Beverly Caimen at Gerald Santos.

Ang nalikom na halaga ay ibinigay naman sa pamunuan ng PNP na dumalo rin sa naturang okasyon, kasama si Armed Forces chief of staff, Gen. Pio Catapang Jr.

Kasama sa mga mabibigyan ng tulong ang 15 iba pang kasapi ng SAF na nasugatan sa operasyon.

Labis ang pasasalamat ng mga pamilya at kamag-anak ng mga napaslang.

Ayon sa biyudang si Erica Pabalinas:

“Kay Bro. Eli, sa officers ng AFP at PNP, sa lahat ng miyembro ng Ang Dating Daan, in behalf of the members of the family of the brave 44 ako po ay nagpapasalamat sa inyong suporta.”

Nagkaloob din si Bro. Eli na P1-milyon na tulong pinansyal para sa AFP. Nauna rito, ‘nagpabaon’ din si Bro. Eli ng tig-P10,000 sa mga pamilya ng mga napaslang na pulis na dumalo sa konsiyerto.

Isa pang ‘benefit concert’ para naman sa kasundaluhan ang binabalak isagawa ng ADD, MCGI at UNTV sa mga susunod na araw.‘Songs for Heroes Benefit Concert’ para sa “SAF-44” tagumpay!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …