Thursday , December 26 2024

Sarhentong Gorio ng SPDO at City of Dreams

00 rex target logoNAIS patunayan nina SPDO Director General Henry Ranola at NCRPO chief Director Carmelo Valmoria na galit sila sa mga tinaguriang ‘bugok na itlog’ sa kanilang hanay.

Kapwa ipinag-utos nina Valmoria at Ranola ang paghuli sa bugok na si Sarhentong GORIO AGRIMANO, ang kapalmuks na pulis na nangongolekta ng payola mula sa mga ilegalista na pasimuno ng bold shows, prostitusyon, ilegal na sugal at droga sa Southern part ng Metro Manila.

Kaladkad ng bugok na si Sarhentong GORIO ang pangalan ni DILG Secretary Mar Roxas.

Mahilig siyang manakot at gamitin ang opisina ni DILG Sec. Roxas sa kanyang modus operandi.

Immediate boss daw ng hindot na si SARHENTONG GORIO si Ranola  na naka-assign diyan sa SPD.

Saan kaya ini-entraga ni GORIONG Pindeho ang linggohang  koleksyon sa intelihensiya.

Malamang may ipinagmamalaking amo si  SARHENTONG GORIO at ‘yan ang aalamin ng TARGET!

ABANGAN!

City of Dreams

Nakakamangha kung paano nagawa ng masipag na alkalde ng lungsod ng Parañaque na si  Edwin Olivarez na gawing isa sa pinaka-progesibong siyudad sa loob lamang ng napakaikling panahon. Less than two years to be exact.

Ito na ang literal na kalagayan ng siyudad makaraang maluklok sa poder si Mayor Olivarez.

Mula sa pagkakalugmok at pakakabaon sa napakalaking utang, nagawa ni Olivarez na mabayaran unti-unti ang mga bayarin ng city hall na umabot ng bilyong piso.

Lingapin at pagandahin ang mukha ng buong siyudad upang maging kaaya-aya hindi lamang sa paningin at pakiramdam ng mga mamamayan nito kundi sa pananaw ng mga taga-ibang lugar, mga bisita at mga dayong mangangalakal.

Naging formula ni Mayor Edwin ang regular na pakikipagpulong sa kanyang mga tauhan, partikular sa kanyang ‘working team.’ Isang collective and dedicated effort.

Inuna ni Mayor Olivarez  na ayusin at pagandahin ang city hall na nagsisilbing tahanan ng mga mamamayan nito.

Gawin itong moderno at maaliwalas. Sinunod nito ang pagpapaganda sa mga pangunahing lansangan papasok at palabas ng lungsod upang maging kahali-halina sa mga dumarayong bisita at investors. Nais ng alkalde na madama ng mga nagbabalak magtayo ng negosyo sa Parañaque ang ‘safe at profitable’ atmosphere ng siyudad para sa lahat.

Hindi naman nabigo sa kanyang vision si Mayor Olivarez. Nagbunga ng maraming magagandang bagay ang kanyang pagsisikap.

Si Atty. Melanie Malaya na nagawang makakolekta ng P1.3B sa business tax mula nang mahirang na hepe ng BPLO.

Of  course hindi matatawaran ang kontribusyon ng lahat ng department heads ng siyudad sa natamong inisyal na tagumpay ng Parañaque para tanghalin na may pinakamalaking potensiyal na lungsod in terms of progress sa buong Metro Manila.

Malaking tulong ang lokasyon nito na malapit sa airport dahil dito nagdaraan ang mga umaalis at dumarating sa bansa.

Naging epektibo rin bilang Public Information Officer (PIO) ng Parañaque si Ma’am Eva Nono. Naging mahaba ang pasensiya nito at pang-unawa sa mga miyembro ng media.

Ang media ang isa sa nakikitang partners ni Ms. Nono para marating ng Parañaque ang kinaroroonan nito ngayon.

Hindi kailangang madiskaril dahil sa mga negatibong news items ang atensiyon ng kanilang alkalde para magkaroon ng focus sa mga solido at mga makabuluhang pagawain.

Kapuri-puri rin ang iba pang departamento ng city hall sa suporta at dedikasyong ipinagkakaloob nito kay Mayor Olivarez.

Iisang direksyon ang tinatahak ng lungsod tungo sa ibayo pang pag-asenso.

Isang magic formula na marahil ay nakaligtaang gamitin at iaplay ng ibang local executives sa bansa.

Simple ngunit determinadong adbokasiya ang ginawang kasangkapan ng liderato ni Mayor Olivarez sa pagtahak sa tamang daan tungo sa isang tahimik, maganda at maunlad na Parañaque.

Isang ehemplong dapat tularan ng iba pang lungsod dito sa Metro Manila. 

Masasabi nating ‘magic touch’ ng isang magaling at henyong alkalde.

Hindi kailangan ang mahabang panahon para ma-accomplished ang mga ganitong achievements.

In less than two years, Parañaque has bloomed into a magically progressive and beautiful city.

Mabuhay ka Mayor Edwin!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *