PNoy: Mali na ako ang banatan ng kritiko
hataw tabloid
March 25, 2015
Opinion
SA kanyang talumpati sa Laguna kamakalawa, sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na mali na siya ang banatan ng mga kritiko. Dahil matatapos na ang kanyang termino at hindi na siya puwedeng tumakbo sa pagkapangulo.
(Pero puwede siyang tumakbo sa lower positions tulad nina ex-President GMA at Erap).
Dapat daw na binabanatan ng kanyang mga kritiko ang makakalaban sa halalan.
Takot raw marahil ang mga kalaban sa kanyang endorsement kaya siya ginigiba, para sirain ang kanyang magagandang mga ginawa para walang epekto sa pipiliin niyang standard bearer sa kanyang partido (Liberal).
Ang mga sinabing ito ni PNoy ay nag-backfire sa kanyang pagkatao.
Dahil kahit papatapos na ang kanyang termino, ang mga nakaraang administrasyon, lalo na ang kay GMA, pa rin ang kanyang binabanatan at madalas na sinisisi sa mga depekto ng kanyang pamamahala ngayon.
At ano naman kaya ang ikatatakot ng kanyang mga kalaban sa politika sa gagawin niyang endorsement ng mga kandidato e sumasadsad na sa all-time low ang kanyang approval at trust ratings?
At sino pa ba ang kanyang ii-endorso, hindi ba si DILG Sec. Mar Roxas? Si Mar ay kulelat sa survey sa presidentiables. I doubt na makabangon pa si Mar sa 4% rating! Kahit sa Vice President, surely hindi oobra si Mar…
Sabi nga ng mga political analyst, tulad kay GMA nang patapos na ang termino noon, “kiss of death” na ang dumikit pa kay PNoy ngayon.
Sabi ng isang UST professor at political analyst, si PNoy ngayon ay isa nang lame duck President. I agree!!!
Pakinggan naman natin ang mga sumbong, puna, reaksyon at suggestions ng ating mambabasa:
Kolektong Agrimano alias Greg paikot-ikot…
– Report ko po itong Sgt Agrimano alyas Greg na umiikot sa mga putahan, sugalan, beerhouses at drogahan. Ipinangungulekta niya ang tanggapan nina Gen. Espina at Gen. Valmoria para raw maging pondo ni Sec. Roxas sa eleksyon. Nakasisira siya sa PNP lalo na kay Sec. Roxas. – 091845532…
Gusto si Bongbong Marcos ang next President
– Umagang kay ganda idol Joey. Of course po Bongbong Marcos for President. Kasi po dahil sa Marcos nagkaroon ng tahanan ang maliliit na tao tulad ko. – Bill Robillos ng Dasma City, Cavite, 09298139…
Puwede! Ang rating ni Bongbong sa latest survey ay umangat mula panglima sa pampito. Nagpahayag na siyang open sa pagtakbong Pangulo sa 2016. Maaari niyang sukatin dito ang damdamin ng mga tao kung gusto pa ng mga mamamayan silang mga Marcos. Balik-Senador pa rin naman siya kahit matalo sa presidential dahil mayroon pa siyang 3 years na natitira sa kanyang termino.
Lim-Duterte o Duterte-Lim ang gusto para patay ang drug lords/pushers!
– Mr. Venancio, para sa akin, gusto ko maging presidente at bise presidente ay Lim-Duterte o Duterte-Lim para maubos ang drug lords/pushers. Kasi marami nang nabaliw dyan sa droga. Mga drug lord dapat ibitay, ipakita sa mga tao para hindi pamarisan, lalo na yan mga Intsik! – 09425512…
Si Lim ay hindi na tatakbo sa national. Determinado siyang makabalik as mayor ng Maynila sa 2016. Hindi niya raw kasi maatim na ang alkalde ngayon ng Lungsod ay isang convicted plunderer. Si Duterte ay malamang na tumakbo lalo’t umakyat siya sa pangatlo sa latest survey.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015