Sunday , December 22 2024

PH ex-Ambassador sa Nigeria guilty sa malversation

masaranga umpaHINATULANG guilty ng Sandiganbayan si dating Philippine Ambassador to Nigeria Masaranga Umpa para sa tatlong counts ng kasong malversation of public funds.

Ito’y kaugnay ng maanomalyang paggamit ng dating opisyal sa US$ 80,478.80 o P3,749,948.98 na Assistance to Nationals stand-by funds.

Ayon sa desisyon ng Sandiganbayan, 10 hanggang 17 taon makukulong si Umpa kaakibat ang habambuhay na diskwalipikasyon sa pagbabalik-gobyerno.

Ipinasasauli rin sa kanya ang winaldas na pondo.

Ayon sa Ombudsman, Pebrero 2007 nang makatanggap ang embahada ng Filipinas sa Nigeria ng US$ 95,856.08 para sa negosasyon at pagpapauwi ng 25 seafarers na kinidnap sa Port Harcourt at Warri Delta State, Nigeria. 

Noong 2008, ipina-audit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pondo at natuklasang gumamit ng pekeng dokumento si Umpa para sa liquidation.

Nagsilbing ambassador sa Nigeria si Umpa mula 1996 hanggang 2008. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *