Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeane Napoles nagpiyansa sa P17.8-M tax evasion case

jeane napolesNAGLAGAK ng piyansa sa kasong tax evasion si Jeane Catherine Napoles, anak ng itinuturong utak ng bilyong-pisong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Oktubre 2013 nang kasuhan ng tax evasion si Jeane ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bunsod nang hindi pagbabayad ng buwis para sa mga ari-arian sa loob at labas ng bansa.

Setyembre 2014 nang aprubahan ng Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng kaso laban kay Jeane makaraan makakalap nang sapat na ebidensya ang BIR.

Ayon kay Atty. Stephen David, legal counsel ng batang Napoles, P50,000 ang naging piyansa sa First Division ng Court of Tax Appeals (CTA) para sa pansamantalang kalayaan sa P17.88 milyon tax evasion case.

Personal aniyang nagtungo si Jeane sa CTA nitong Lunes.

Tiniyak ni David na haharapin ng kanyang kliyente ang kasong isinampa ng DOJ.

Kabilang sa mga hinahabol kay Jeane ang P17.46 milyong tax liability para sa residential condominium sa Ritz-Carlton Residences sa Los Angeles, California para sa taxable year 2011, at P426,000 bilang co-owner ng dalawang farm sa Pangasinan para sa taon 2012.

Nagsimulang malagay sa kontrobersya si Jeane nang batikusin ang mga larawan niya sa social media na nagpapakita ng marangyang pamumuhay. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …