Sunday , December 22 2024

 ‘Barbie’ sumalang sa witness stand vs Pemberton

102114 laudeSA ikalawang araw ng murder trial ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, tumestigo si alyas Barbie, itinuturing na star witness ng prosekusyon.

Akusado si Pemberton sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong Oktubre 2014.

Kaugnay nito, kontento ang pamilya Laude sa pagsalang ni Mark Clarence Gelviro alyas Barbie sa witness stand, na itinuro si Pemberton bilang huling nakasama ng kaibigang si Jennifer sa pinasukang Celzone Lodge bago natagpuang patay ang biktima.

Tinapos agad ang pagdinig dahil hindi nakasipot ang ikatlong testigo ng prosekusyon, ang security guard ng hotel na si Jacinto Miraflor dahil sumama ang pakiramdam.

Ipagpapatuloy ang paglilitis sa Abril 13. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *