Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

54-anyos mister sinaksak ng 65-anyos misis (Tumangging magmasahe)

FRONTLA UNION – Sugatan ang isang lalaki makaraan saksakin ng kanyang misis nang tumanggi ang biktima na masahiin ang suspek kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Agustin, lungsod ng San Fernando.

Kinilala ang biktimang si Edwin Obra, 54, habang ang salarin ay mismong misis niyang si Isabelita, 65-anyos.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago matulog ang mag-asawa kamakalawa ng gabi, hiniling ni misis na masahiin siya ng kanyang asawa dahil napagod sa pagtatrabaho bilang manikurista.

Ngunit tumanggi si mister dahil matutulog na siya.

Sa pagpupumilit ni misis ay nagalit si mister kaya nasampal niya ang asawa.

Dahil parehong nakainom ang dalawa, gumanti si misis at sinaksak ang likod na bahagi ng ulo ni mister.

Nagpasaklolo ang biktima sa bahay ng kanyang kapatid na siya na ring nagdala sa kanya sa ospital.

Nabatid na dati na rin sinabuyan ng mainit na tubig at sinaksak ng ice pick ni misis ang kanyang asawa.

Sa kabila nito, tumangging magsampa ng kaso ang mister laban sa kanyang misis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …