Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utol ng PBA player tumalon sa 12-ft high, ligtas

Police Line do not crossCEBU CITY – Nanatili sa sa psychiatric ward ang isang inmate na nag-dive mula sa viewing deck ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) kamakalawa.

Ayon kay Provincial government consultant on jail management, Marco Toral, bagama’t maayos na ang kalagayan ni Joven Poligrates, 37, taga-Poro, isla ng Camotes, nakatatandang kapatid ni Eliud “Eloy” Poligrates ng KIA Carnivals ng Philippine Basketball Association (PBA), kailangan pa rin niya nang masusing monitoring para maiwasang maulit ang insidente.

Dagdag ni Toral, isasailalim si Poligrates sa psychological examination.

Inihayag ni Toral na may psychological problem ang biktima nang mapasok sa nasabing maximum security compound dahil hindi makausap nang maayos.

Nakitaan din siya ng sintomas ng depresyon kaya inilagay sa balkonahe.

Una rito, tumalon si Poligrates mula sa 12 ft high viewing deck ng CPDRC sa quadrangle na sinasayawan ng dancing inmates, ilang minuto makaraan bisitahin ng kanyang asawa.

Suwerteng bumagsak siya sa balikat ng isang inmate sa ibaba ng viewing deck bago tumama ang ulo sa sementadong sahig.

Nabatid na higit isang linggo pa lamang nakukulong si Poligrates sa kasong rape.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …