Sunday , December 22 2024

Pribatisasyon sa P92-B Coco Levy funds tuloy na  (Pandarambong ni Aquino at Coco Levy MAFIA — KMP)

coco levyWALA nang makaaawat sa Palasyo sa pagsasapribado ng coco levy funds na umaabot sa halagang P92-B sa kabila ng akusasyon ng ilang farmers’ group na iskema ito nang pandarambong ng administrasyong Aquino.

Sinabi kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.,  ayon kay Agricultural Modernization and Food Security Assistant Francis Pangilinan, ikinakasa na ang resolusyon na lilikha sa isang multi-sectoral stakeholders consultative and advisory council na magbabalangkas ng mga patakaran sa pagpapatupad ng pribatisasyon ng coco levy.

Aaprubahan aniya ng Philippine Coconut Authority board ang nasabing resolusyon sa kanilang pagpupulong sa susunod na buwan.

Inihayag din ni Pangilinan na ang isasapribado sa bisa ng dalawang EOs ay “P72-B in cash and an estimated P20-B in assets.”

Nauna rito, binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at ng Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM) movement ang Executive Orders 179 at 180 na nilagdaan noong nakalipas na linggo ni Pangulong Benigno Aquino III na nagsasapribado ng coco levy funds, lalo na ang shares sa United Coconut Planters Bank (UCPB), San Miguel Corp (SMC) at Coconut Industry Investment Fund (CIIF) Oil Mill Group.

Ayon sa KMP at CLAIM, isang uri ng pandarambong ang dalawang EOs na inaprubahan sa huling ilang buwan ng administrasyong Aquino at pinaliit nito ang ang tsansa ng maliliit na coconut farmers na makinabang sa coco levy funds.

“Aquino and his coco levy mafia are saving the best for last. Aquino signed the coco levy EOs to fast track the completion of their plunderous scheme and benefit from the billions of pesos of small coconut farmers’ money before their imminent downfall,” ayon kay KMP chairman Rafael Mariano.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *