Sunday , December 22 2024

PH nakiramay sa pagpanaw ng founding father ng Singapore

lee kuan yewNAKIISA ang sambayanang Filipino sa pagluluksa ng mga Singaporean sa pagpanaw nang itinuturing na Founding Father of the Republic of Singapore na si dating Prime Minister Lee Kuan Yew.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ipinaaabot ni Pangulong Benigno Aquino III ang personal na pakikiramay kay Prime Minister Lee Hsien-Loong.

“Throughout his long life, as prime minister and senior minister, Lee demonstrated an unswerving devotion to his country, turning it into a state that would be an exemplar of efficient, modern, and honest governance,” ani Valte.

Ang pag-unlad aniya ng Singapore ay nagbunga ng respeto mula sa ibang bansa, kasama ang mga Filipino na nagtatrabaho at bumibisita sa bansa.

“An era has passed, one upon which Singaporeans can look back on with deep pride and a sense of accomplishment,” wika ni Valte.

Si Lee, 91, ay dinala sa pagamutan noong Pebrero 25 sanhi ng severe pneumonia pero binawian ng buhay kahapon.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *