Sunday , December 22 2024

Olongapo chief prosec pinapapalitan ng Laude camp

102114 laudeHINILING sa Department of Justice (DoJ) ng kampo ng Pa-milya Laude na palitan si Olongapo chief prosecutor Emilie De Los Santos bilang public pro-secutor sa kasong pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Ito’y kasunod ng sinasabing pagpupumilit ni De Los Santos na makipag-areglo sa kampo ng suspek na si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ito ang hiling ni Julita Cabillan, ina ni Jennifer, sa liham na ipinadala ng pamilya kay De Lima nitong Lunes ng umaga.

Lumabas ang mga ulat na handang makipag-areglo ang pamilya ng pinaslang na transgender sa halagang P21 milyon kakabit ang ilang kondisyon sa pagkakakulong at pag-amin ng Amerikanong marino.

Nanindigan si Cabillan na hindi sila makikipag-areglo ngunit nakadepende sa posisyon ng kanilang mga abogado kung anong aksyon ang gagawin nila sa plea bargaining.

Kaugnay nito, muling iginiit ni Atty. Harry Roque, legal counsel ng mga Laude, sa pagdinig kahapon, ididiin nila muli ang hindi nila pagpayag sa plea bargain.

Kung meron aniyang gustong makipag-areglo sa kabila ng pagtanggi ng Pamilya Laude, ay si De Los Santos ito.

“Malinaw po na itong si Fiscal De Los Santos ay ayaw na niyang ipaglaban ‘yung ninanais ng pamilya Laude na magkaroon ng katarungan,” ani Roque.

“In fact, ang huling binitawan niyang salita, magpi-plea bargain kami, papayagan ko si-yang umamin sa homicide at ituloy ninyo ang civil aspect of the case.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *