Sunday , December 22 2024

Holdaper patay sa shootout

112514 deadPATAY noon din ang isa sa dalawang holdaper makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District kahapon.

Sa ulat kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD Director, kinilala ang napatay na si Ramil Juzgaya alyas Lupin, tubong San Carlos, Pangasinan, at residente ng 1402 Gana Compound, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 4:10 a.m. ang biktima na kinilalang si Feliciano Padilla ng Caloocan City, ay nakikipag-usap sa kaibigang si Michael Balanquit sa harap ng Gubat sa Ciudad, EDSA Balintawak, Brgy. Balingasa, Quezon City, dumating si Juzgaya kasama ang isa pang hindi nakilalang lalaki na tumatayong lookout.

Tinutukan ng baril ni Juzgaya si Padilla kasabay nang pagdedeklara ng holdap.

Agad kinuha ng suspek ang P600 ng biktima na nakapatong sa dashboard ng sasakyan saka mabilis na tumakas.

Agad humingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrolyang mga pulis ng QCPD Police Station 1.

Hinabol ng mga operatiba ang suspek pero agad napansin ni Juzgaya ang papalapit na mobile car  kaya biglang nagpaputok. Gumanti ang mga operatiba na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Sa kalagitnaan ng barilan, nakatakas ang kasama ni Juzgaya.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *